📖 31

109 20 24
                                    


Clementine's POV

Kasalukuyan akong nakain ng breakfast ko habang nag ce-cellphone ng biglang may nag message sa akin.

_____________________________

Unknown number

Hi!

Receive: 8:26 am
____________________________

Unknown number? Sino kaya toh?

___________________________

Unknown number

Uhhmm,hello?

Sent: 8:27 am
__________________________

Di ko man 'to kilala ay nireplyan ko padin.

_________________________

Unknown number

Kamusta ka?

Receive: 8:27 am
________________________

Hindi ko na napigilan ang curiousity ko kaya tinanong ko na ito kung sino sya.

_______________________

Unknown number

Do i know you?

Sent: 8:28 am
_______________________

Sa pag tanong ko na'yon ay tila hindi na ata nag reply ang mystery texter na iyon.

Well I don't need his/her reply,tinatamad narin naman ako kaya maliligo na muna ako.

Niligpit ko na ang ininuman ko ng gatas at hinugasan.

Matapos mag hugas ay umakyat na nga ako para maligo.

Pag pasok ko sa kwarto ay hindi ko inaasahang may tao pala sa banyo.

"Sis! Bilisan mo na dyan! Wag ka na kumanta!" Sigaw ko habang pinapabilis si Nathalie sa pag ligo,nakanta kanta pa kasi.

"Sorry pero ako ang nauna,mag hintay ka nalang muna dyan" sambit nito.

Haysst ayokong mag hintay,naiihi nadin ako.

"Sis baka pwede mong bilisan,naiihi na kasi ako eh"

"Ah ganon ba? Sige sa baba ka nalang muna umihi" sambit nito. Ang ganda ng suggestion nya ha! Kakaakyat ko lang tapos papababain nya ako eh naiihi na nga ako.😒

"Sis,sige na bilisan mo na!" Nag ma-makaawa kong sambit dahil nag ba-bakasakaling pag buksan nya na ako ng pinto.

"Shhhh!! Sige na bumaba ka na duon,matagal pa ako dito dahil kakapasok ko palang,baka mag ka sakit ka pa kung mag hi-hintay ka dito kaya kung ako sayo bumaba ka nalang" I have no choice,baka nga mag kasakit pa ako. Pag katapos nito akong sermonan ay bumalik na sya sa pag kanta nya.

Gaya ng sinabi nya ay bumaba na nga ako.

Pagbaba ko ay agad na akong dumiretso tungo sa banyo.

Nang mahawakan ko na ang door knob nito ay hindi ko inaasahang may makakasabay akong humawak dito.

"Papasok ka ba?" Normal nitong tanong sa akin.

"Ah hindi,Keith,sige mauna ka na!" Pag papauna ko dito pumasok.

"Hindi,sige mauna ka na" pag suway nito sa kagustuhan ko.

"Hindi,ok lang talaga sakin mauna ka na" pag pupumilit ko na mauna na sya.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon