📖 89

69 5 15
                                    


Nathalie's POV

Grabe ang pintig ng puso ko. Namamawis ang kamay ko sa sobrang kaba ko.

Sa isang iglap bigla akong natauhan. Bigla kong naramdaman kung gaano kahalaga ang tao na ito sa akin.

Pakiramdam ko ikamamatay ko kung isa nanamang tao ang mapapalayo sa akin.

"Sorry,sorry." Paulit ulit kong bigkas.

Itinakbo namin si Josh sa hospital dahil hinimatay siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang siyang nawalan ng malay habang nakayakap sa'kin.

Oo,habang nakayakap sa akin.

Sa mga sandaling 'yon bigla akong natauhan.

Masyado na akong nadala sa emosyon ko.

Nawalan ng preno ang bibig ko at inilabas lahat ng gustong sabihin.

Ipinaliwanag sa akin ni Jenna lahat at duon ko lang napagtanto na lahat ng sinabi ko ay mali.

Lahat mali.

Ayoko mang isipin na ako ang dahilan ng pag passed out ni Josh pero wala namang ibang dahilan at hindi siya magkakagano'n kung hindi ko siya pinag salitaan na parang lahat ng nangyari ay kasalanan niya.

This is my fault.

"Excuse me are you the patients relative?" Tanong sa akin ng doctor pagka labas niya ng room ni Josh

"Ahm,yes." Sangguni ko naman.

"You're his?"

"Girlfriend" tulala kong sambit.

"Ex-girlfriend." Dugtong ko.

"Okay? Well Miss?"

"Nathalie."

"Well miss Nathalie,according to the examination na isinagawa kanina low blood po ang patient and nakitaan din po namin siya ng sakit na cancer. Medyo kumalat na po ito sa bandang dibdib niya na kinalabasan naman po ng pagka low blood niya. Possible din po na bago pa ma low blood ang patient nakaramdam na siya ng pananakit ng ulo or di kaya kumikirot ito at kung minsan din ay mabigat sa pakiramdam ngunit hindi po ito simpleng sakit lang ng ulo,maaring isa din po itong symptoms ng pagkalat ng sakit niya sa katawan ngunit masyado niya pong hindi ininda kaya ito sinisingil na siya ng katawan niya." Saad ng doctor na tinanguan ko naman.

F*ck sh*t.

Future RN ako eh pero sa sobrang taranta ko nakalimutan ko ihandle yung mga ganitong situation,napag aralan ko na 'to eh. Pati yung mga sakit na ganyan alam ko kung saan possible kumalat at kung anong pwedeng mangyari sa patient.

Pero sa isang iglap natabunan agad ng takot lahat ng napag aralan ko.

"Ah before I forgot,Stage 3 Cancer po ang sakit ng patient. 7-9 months to live po,I'm sorry." Sambit ng doctor at nag paalam na aalis na muna.

Ako ito,naiwang tulala.

Stage 3?

7-9 months to live?

Dati stage 2, 2 years to live ngayon 7-9 months na lang?

Pinaiikli ko ang buhay niya.

Pinaiikli ko ang buhay ng taong nagmamahal sa akin.

Gano'n niya ba ako kamahal? Na handa siyang ubusin lahat ng natitirang araw niya dito sa mundo para lang sa'kin?

Para lang sa taong paulit ulit siyang sinsaktan.

I remember,he's the one who thought me to live my life to the fullest.

I remember how happy we are before.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon