📖 60

85 5 22
                                    


Nathalie's POV

3 Week na ang nakalipas mag mula nang mag enroll kami sa isang university.

Kasalukuyan akong nag mumuni-muni nang biglang may kumalabit sa ulo ko.

"What?" Inis na sambit ko pag mulat ng aking mga mata.

"Gumising ka na at may pasok pa tayo ngayon" kalmadong sabi ni Clementine.

"It's too early" sambit ko nang hindi manlang nililinga ang relo.

"Anong too early? 7:30 am na 8:00 am ang pasok natin saan dun ang too early?" Nang banggiting nito ang oras ay bigla nalang ako kumaripas ng takbo papuntang C.R

7:30 am na shit. May exam kami ngayon at ang sabi ko kagabi maaga ako magigising para makapag review ako pero wala. Puro meaning at about brain pa naman ang dapat na kabisaduhin ko pero shit kahit isa wala akong alam sa reviewer na binigay sa amin ng prof namin.

Binilisan ko na ang pag ligo ko pero hindi mahuli sa klase.

Sa Med subject namin ay magkakahiwa hiwalay kami. Bale si Jenna di namin siya kasama dahil iba schedule niya pag 8:00 am pero kami ni Clem parehas. Kasama din namins a subject na ito si Tristan,Keith at Daniella. Sila Lucas at Hayden iba din schedule.

I wish wala din na review yung mga kasama ko sa klase para may karamay ako. Itong subject pa naman sana ang main focus ko dahil gusto ko mag doctor  pero ang nangyari wala akong na review kaya paano na 'to. Bawal pa naman mang daya sa exam pag college di katulad sa highschool.

Hayst bahala na nga!

Matapos maligo ay lumabas na ako para mag bihis at mag ayos ng sarili.

Nang matapos na akong magbihis ay bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Mabilis ko namang naubos ang breakfast ko at nang matapos na akong kumain ay umalis na kami ni Jenna. Dahil iniwan kami ni Clementine,kami tuloy ang nagkasabay.

Halos itodo ko na yung gas ko para lang di ako ma-late pero wala eh mas mabilis sa akin yung orasan.

Habang naglalakad sa hallway ng school namin ay napatingin ako sa relo ko.

8:25 am na. Gusto ko nang tumakbo papuntang classroom pero baka madulas ako sa pag mamadali kaya kumakaripas na lakad nalang ang nagawa ko.

Kinakabahan akong naglalakad papuntang classroom at pyag pasok ko sa classroom agad kong nakita ang mga classmate ko na focus na focus ang mata sa test paper at buble sheet.

Wala ang prof namin pero may mga test paper sa harapan. Kukuha na sana ako ng isa pero nakita kong meron na palang naka lagay sa upuan ko.

Nilapag nalang basta.

25 minutes akong late kaya panigurado tapos ng mag attendance ang prof namin. Sana lang nung binanggit nung prof namin yung name ko may nag sabi na ma le-late lang ako para alam niya,para walang marka ng isang absent ang attendance ko sa first sem.

Nang makaupo na ako ay hindi ko muna tiningnan ang masakit sa ulo kong testpaper,bagkus ay hinanap ko muna sila Clementine sa loob ng classroom.

Nakita ko si Clementine na tila nag bra-brain storming habang nakatingin ang mata sa test paper si Daniella naman patingin tingin sa kisame,parang duon hinahanap ang sagot. Si Keith at Tristan naman ay relax na relax na nag sasagot sa test paper,walang anumang bahid ng hirap sa mukha nila parang napaka easy lang sa kanila ng test na yun.

Sana gano'n din ang expression ko pag binuksan ko na tong folder sa arm chair ko na naglalaman ng bagay na alam kong magpapasakit sa ulo ko.

Sobrang focus sila,parang nga akong hangin na dumaan sa pintuan kanina kasi ni isa sa kanila walang lumingon para tingnan manlang kung sino 'yung dumating.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon