📖 15

205 77 15
                                    

Nathalie's POV

Kasalukuyan kaming tumatakbo nila Clementine,Jenna,Tristan,Keith at Hayden ngayon pababa para tumawag ng teacher na mag aawat sa kay Rhiana.

Di na namin sinugod si Rhiana dahil baka mas lalo pang lumaki yung gulo kaya mas minabuti nalang namin na tumawag ng teacher.

Nang makarating na kami sa guidance office agad kaming pumasok at bumati sa mga gurong naroroon.

"Good morning po teachers!" Sabay sabay na bati namin kay Miss Camille

"Good morning din! Anong sadya nyo at naparito kayo?" Tanong ni Miss Camille sa amin

"Nais po namin kayong tawagin sa kadahilanang may gulo sa gym." Hingal na hingal na sabi ni Tristan.

"Hindi po namin sila maawat" Mabilisang sabi ni Jenna.

"Hindi na po kami nakigulo dahil baka kami madamay din po kami" Sunod na salita ni Hayden.

"Kaya mas minabuti nalang po namin na tawagin kayo." Dugtong ko sa sabi nila.

"Oh sge anong section nyo?" Mabilisang tanong ni Miss Camille.

"Section Sagittarius po mam" Pormal na sagot ni Keith.

"Sge tara na!" Sabi ni Miss Camille at agad na tumakbo paakyat sa gym.

Pag akyat namin sa gym wala na yung mga nag kukumpulang studyante wala narin si Daniella ang tanging nanduon nalang eh! Si RHIANA.

Nanlilisik yung mga mata nyang nakatingin samin.

"Oh! Miss Chellish nasaan na ung sinasabi nyong gulo?" Naguguluhang tanong ni Miss Camille sa amin.

"Wala na po yung biktima mam pero ung Suspek po nandito pa" Pag responde ni Clementine sa tanong ni Miss Camille.

"Kung ganon nasaan sya?" Muling tanong ni Miss Camille.

Sabay sabay naman naming tinuro si Rhiana.

Aktong lalapit na sana sila samin ng bigla nyang makita si Miss Camille...

Ano sya ngayon?!

"Miss Rhiana anong kaguluhan nanaman ang ginawa mo?" Taas kilay na tanong ni Miss Camille.

"Ah mam ka---" Di na nya natapo yung sasabihin nya ng biglang magsalita si Miss Camille.

"Hindi ka talaga nadadala! palagi ka nalang nagawa ng gulo dito sa school kababae mo pa namang tao tapos ganyan ka! let's go to the guidance office!" Mataray na sabi ni Miss Camille kay Rhiana.

Nang makaalis na sila Mam Camille at Rhiana agad kaming dumiretso sa clinic dahil may posibilidad na nanduon si Daniella.

Maya maya lang ay nakarating na kami sa clinic Bigla namin nasalubong si Miss Ann at nakita nya kami na papasok sa clinic. Ngunit sa kasamaang palad hindi nya kami lahat pinahintulutan pumasok dahil masyado na kaming madami.

"Guys hindi daw lahat pwede pumasok" Sabi ko sa kanila.

"So what are we going to do?" Biglang singit ni Tristan.

"Ganito! Pili lang ung makakapasok. Sino papasok bukod sakin?" Seryoso kong tanong sa kanila.

"Ako!" Biglang sagot ni Clementine.

"Sge papasok na din ako" sagot ni Hayden.

"Kung ganon ang maiiwan sila Tristan,Jenna at Keith. Dyan na muna kayo sa labas or gusto nyo attend na kayo ng class natin?" Tanong ko sa kanila.

"Sge aantayin nalang namin kayo dito sa labas" sagot ni Tristan.

Nang marinig ko na ang sagot ni Tristan agad na kaming pumasok sa loob na clinic.

Agad naman kaming sinalubong ng nag uusap na Daniella at Lucas.

"Uyy Daniella how are you?" Tanong ni Clementine sabay hawak sa ulo ni Daniella

"Ah eto masakit yung ulo tsaka katawan dahil puro sipa ni Rhiana." Sabi nya habang tinuturo yung mga pasa nya.

"Pasensya ka na ha! Di ka namin nasaklolohan tumawag kasi kami ng guidance teacher para siya na mag awat duon sa Rhiana na yun kasi baka kapag kami ang umawat pati kami madamay alam mo naman yun si Rhiana may mga alagad pa yun." Seryoso kong pag papaliwanag sa kanya.

"Okay lang" maikli nyang paliwanag pero alam ko hindi yun okay kasi kung sakin nangyari yun baka mag tampo ako sa mga itinuring kong kaibigan na kapag kailangan ko wala naman sila.

"By the way bakit bigla ka nalang nawala? I mean sinong nagdala sayo dito? Kasi nung nasundo na namin si Miss Camille pag akyat namin sa gym ang naabutan nalang namin eh si Rhiana" Paliwanag na may halong tanong ko sa kanya.

"Ayun oh" turo nya sa lalaking seryosong nakaupo at pinapanuod kami....SI LUCAS.

"Ahhh..." patango tango kong sabi.

"Nagamot na ba yung mga pasa mo? Gusto mo ba gamutin namin? Di ka kasi namin nasaklolohan eh!" Biglang sabi ni Hayden.

"Ah hindi okay na nagamot na ni Lucas kanina pa" seryoso nitong sagot.

"Ang sweet naman!" Nakangiti na sabi ni Clementine.

"Ah!nasaan nga pala sila Jenna tsaka Tristan? Di nyo ba sila kasama?" Tanong nito samin.

"Hmm..nanduon sila sa labas nasalubong kasi namin si Nurse Ann sabi nya hindi lahat pwedeng pumasok kasi masyado ng madami" pag papaliwanag ko sa kanya.

"Di ba kayo a-attend ng next subject? Baka mapagalitan kayo ng teacher natin kung di kayo a-attend" Nag aalala nitong sabi.

"Ahmm..di na kami a-attend babantayan ka nalang namin dito tsaka di ka kasi namin na saklolohan kanina kaya mag babantay nalang kami dito." Paliwanag ko sa kanya.

"Hay nako! Hindi na! Ayoko maging pabigat sa inyo! Umattend na kayo baka mapagalitan pa kayo kaya wag na!" Sabi nito.

"Sge na nga! Lucas bantayan mo si Daniella ha! Baka balikan nanaman yan ng Malanding Rhiana na yun." Sambit ko kay Lucas tsaka kami lumabas.

Pag labas ko di ko nakita na nanduon si Tristan tanging si Jenna at Keith nakang ang naabutan ko.

"Nasan si Tristan?" Tanong ko sa kanila.

"Ahmm..di namin alam eh! Nag aantay lang kami dito tapos bigla nalang sya nawala di naman sya nag paalam sa amin." Paliwanag ni Jenna.

"Ah sge balik na daw tayo sa classroom sabi ni Daniella kasi baka daw mapagalitan tayo ng next subject teacher natin." Sambit ko sa kanila.

........................................................

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa classroom ngunit napahinto ako ng makita ko ang isang pamilyar na tao......

Si TRISTAN...

May kausap syang babae pero di ko kilala tsaka di ko alam kung ano ung pinag uusapan nila.

Bago sya lumingon sa amin ay bigla nalang sya niyakap nung babae pero hindi nya man lang din niyakap ang babae nanatili lang syang nakatayo at diretso ang kamay.

Akala ko ba...

Nang makita nya ako ay agad akong umiwas ng tingin sa kanila.

Saka ko lang namalayan na iniwan na pala ako ng mga kasama ko.

Agad na akong nag madali umakyat sa classroom.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading this!

Sorry sa mga missed spells♡

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.

GOD BLESS US ALL AND KEEP SAFE!

사랑해❤

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon