📖 26

116 32 7
                                    


Tristan's POV

Kasalukuyan akong nakahiga ng maisipan kong bumaba para uminom ng kape,tutal umaga naman pang painit sikmura lang.

Paano na kaya ako ngayon?

Di ko lubusang maisip na yung palagi kong kasama sa bahay na ito ay wala na..

Next week libing na ni papa pero hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kung saan sya ililibing.

Marahil alam ni Laine,pero wala na akong balak umattend pa.

Ano nalang ang gagawin ko?

Kahit ano pa ang kumporta sakin ng mga kaibigan ko wala naman silang magagawa eh,di rin nila alam kung gaano kasakit yung nararamdaman ko kaya ganon nalang kadali sa kanila ang mag comfort sa isang tao.

At kahit pa sabihin ko sa kanila ang nararamdaman ko,sa tingin ko pag ta-tawanan lang nila ako,kasi hindi naman sila ang nasa kalagayan ko...

Hi-higop na sana ako ng kape ng biglang may mag doorbell.

~~DINGDONG DINGDONG~~

"Sino nanaman ba to?" Naiinis kong sambit sabay punta sa frontdoor.

Pag bukas na pag bukas ko ng pinto laking gulat ko ng makita ko ang maraming tao na nasa harapan ko.

"Kamusta?" Sambit ni Hayden. Ngunit imbis na sagutin ko ang tanong nya ay sinuklian ko nalang sya ng tanong.

"Anong ginagawa nyo dito?" Sarkastiko kong sabi.

Nandito nanaman ba sila para mang gulo?

"Did you like our surprise?" Tanong ni Clementine habang naka ngiti. Palibhasa nagagawa nilang ngumiti dahil wala silang ini-indang sakit😒

"Anong surpresa pinag sasabi mo?" Balik ko ng tanong sa kanya.

Aktong ipapasok na ni Keith yung mga maletang bitbit nya ng pigilan ko sya.

"Hoy teka saan ka pupunta?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Mamaya na kami mag papaliwanag bro,Guys let's go!" Sambit ni Lucas sabay dire-diretsong pasok sa bahay namin.

Bakit ba sila nandito? Nakakabanas naman!

"Hayst! kapagod byahe!" Sambit ni Jenna sabay upo sa couch namin.

"Bro,ano ulam?" Tanong ni Hayden.

"Gusto mo ipag luto ka namin?" Patanong na sambit ni Daniella habang isa isang tinitingnan ang mga cabinet namin na nag lalaman ng mga relief goods

"Tsk! Wag na!" Sambit ni Lucas sabay kuha kay Daniella ng hawak hawak na relief goods.

"Edi wag!" Sambit ni Daniella sabay irap kay Lucas.

Ang dami nila! Nakakahilo! Para silang mga kuto na nag kakalat sa bahay namin.

"Teka nga!" Sigaw ko na nakapag paagaw ng atensyon nilang lahat.

"Bakit ba kayo nandito?! Sagutin nyo nga ako!" Nabwi-bwisit kong sambit.

"Bro! Chill! Mag e-explain kami! Upo ka muna dyan!" Sambit ni Hayden habang pinapaupo ako sa sofa namin.

"Guys,dito muna kayo mag e-explain muna tayo kay Tristan" pag pa-patipon nya sa mga kasama nya.

"You know what,Tristan? Alam na namin kung bakit ka nag kakaganyan?" Paninimula ni Keith.

"Alam na namin kung bakit mo ginawa yung nagyari nung nakaraan pero wag kang mag alala tayotayo lang ang nakaka-alam non,hindi nila alam" pabulong na sambit ni Hayden.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon