📖 42

91 10 32
                                    

Tristan's POV

Kasalukuyan akong nag didilig nang mga halaman namin dito sa bakuran namin ngayon.

Mag mula nang namatay si Papa na apektuhan narin pati ang mga halaman namin,di ko narin kasi nadidiligan sa kadahilanan ngang wala ako sa tamang suhestyon ko. Kung ano kalagayan ko parang ganon narin naging kalagayan nang mga halaman ko ngayon.

Parang dati lang si Papa ang palagi kong nakikitang may hawak nang regadera tuwing umaga,ngayon ako na..

Maya-maya lang ay narinig ko na bumukas ang front door namin.

Akala ko naman tulog pa sila kaya nag dilig nalang muna ako,yun pala may gising na.

Agad naman ako sumilip sa front door namin at duon ko napagtanto na iniluwa nang pintuan namin ang isang dalaga na nag ngangalang Nathalie.

Tila nagmamadali ito sa pag lakad nya at mukhang kagigising n'ya pa lamang sa itsura nang pananamit n'ya.

Nang sundan ko ito nang tingin,tila patungo ito sa isang lalaki na nakita ko na kumakailan lamang.

Isang rosas at plastic bag na tila may laman ang iniabot nito kay Nathalie na sya namang tinanggap ni Nathalie.

Nakikilala ko ang lalaki na iyon,hindi ako maaaring mag kamali dahil s'ya 'yung dating nag pupumilit pumasok dito sa bahay at ang sabi n'ya kaibigan daw s'ya ni Nathalie.

Napapadalas yata ang pag punta n'yan dito..

Sino ba talaga s'ya sa buhay ni Nathalie?

Habang pinag aaralan ko ang mukha nang lalaki ay bigla nalang luminga linga si Nathalie,animo'y tinitingnan kung may tao ba sa kapaligiran n'ya.

Nang masigurado n'yang wala ay agad n'ya namang binalik ang attensiyon n'ya sa lalaki.

Isang shake hands naman ang ibinigay nang lalaki bago s'ya tuluyang umalis sa harapan ni Nathalie.

May pa-shake hands-shake hands pa s'yang nalalaman.

Nakita ko na 'yang lalaki na 'yan dati eh,di ko pa man kilala si Nathalie nakita ko na 'yan,di ko lang mawari kung saan.

Agad kong tinapos ang pag didilig ko at ninais na sundan si Nathalie sa loob nang bahay.

Matapos mag dilig ay ibinalik ko sa tamang lalagyan ang regadera at tsaka sinundan si Nathalie.

Pag pasok ko sa loob nang bahay ay agad na sumalubong sa akin ang hangin.

Nasaan s'ya?

Nilibot ko ang paningin at nang mahagip nang mata ko ang kusina ay agad akong dumiretso duon.

Nang marating ko na ang kusina ay hindi na ako nabigo sa pag hahanap sa kanya.

Tila pagkain yata ang pinadala nang lalaking kanina lamang ay kausap n'ya.

Kumuha s'ya nang plato at mga kubyertos at pag lingon n'ya sa'kin ang kaninang masaya n'yang mukha ay ngayon hindi na maipinta nang ako'y kanyang nakita.

"Oh bakit ganyan na 'yung mukha mo?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay diretso at walang gana ang tingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" Pag babalik nito nang tanong sa'kin.

"Masama bang pumunta dito?" Tugon ko sa kanina n'yang tanong.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Muli nitong tanong sa'kin

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

"Ayoko na ngang kumain" sambit nito sabay balik nang mga kubyertos na kanina lang ay hawak-hawak n'ya.

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon