📖 35

97 11 27
                                    


Keith's POV

Dalawang araw na ang nakalipas mag mula ng mailibing ang tatay ni Tristan at ngayon nakatanggap ako ng mensahe mula kay Mam Nadera na ie-extend nya ang preperation for grand ball. Mabuti nalang at inextend dahil kung hindi baka di maka attend si Tristan at ayokong mangyari yun gusto ko kasama namin sya sa anumang kasiyahan.

"Bro may isusuot ka na ba for JS Prom?" Tanong ko kay Hayden ng maalalang wala pa pala akong susuotin para sa ga-ganaping kasiyahan.

"Di naman ako a-attend eh,ikaw ba a-attend ka?" Sabi nito habang nag liligpit ng higaan.

"Bakit naman di ka a-attend?" Takang tanong ko sa kanya.

Wala naman sigurong dahilan para di sya umattend diba?

"Wake up,Keith,we're nerd's at sa tingin mo belong tayo sa mga katulad nang classmate natin? Magaganda at mga gwapo! Walang mga salamin kagaya natin at malalakas ang apil hindi katulad nating mga nerd mga binubully at walang place para sa ganong kasiyahan" seryoso nitong paliwanag at tila walang gana mag salita.

May point nga naman sya,bakit nga naman kami sasama eh mga nerd kami at walang place sa school na puro magaganda at gwapo ang studyante,nandun lang kami para mag aral at hindi para makisalo sa mga hindi namin kauri.

Nang maramdamang kumakalam na ang sikmura ko ay bumaba na ako para kumain.

Mukhang tahimik sa baba at walang tao,himala ata at wala sila or baka nasa kani-kanilang kwarto?

Nang makababa ay di ko inakala na may tao pa pala.

"Hi,Keith!" Bati ni Clementine sa akin habang nakain ng tinapay.

Tumango naman ako bilang sangguni sa bati nya.

Dumiretso lang ako sa kusina para kumuha ng kanin at magluto ng ulam.

"S'ya nga pala Keith,may itatanong ako sayo" sambit nito habang ako ay nakatalikod at nakuha ng lulutuin.

"What?"

"May susuotin ka na ba for JS Prom?" Di ko inakala na iyon ang itatanong nito sakin dahil iyon din ang huli ko itinanong kay Hayden.

"Di naman ako a-attend ng JS Prom kaya bakit pa ako mag hahanap ng susuotin ko?"

Isang baso na nilapag sa lamesa ang narinig ko matapos ko bigkasin ang isinagot ko sa tanong nya.

"At bakit ka naman di a-attend?" May halong gulat na tonong tanong nito.

"Non of your business" walang gana kong sagot sa kanya.

"Sungit naman nito,nag tatanong lang eh." Sambit nito habang di ko parin sya nililingon.

Matapos mag luto ay nilagay ko na ang ulam sa plato ko at kumuha ng kanin at kubyertos.

Nilapag ko ang plato ko sa isang table at umupo sa isang upuan para simulan ng kumain.

"Girls!! Baba nga kayo dyan!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Bakit ba sya nasigaw? Wala ba syang mga paa para umakyat nalang saka tawagin ang mga kasama nya para di na sya nag iingay at nag sisisigaw ng ganyan.

'Bakit anong meron?'

'Yes?'

'Why?'

'May sasabihin lang ako sa inyo.'

Di ko nalang pinansin ang mga pinag uusapan nila at ipinag patuloy nalang ang pag lamon ng pagkain.

'Alam nyo ba hindi raw a-attend si Keith ng JS Prom!'

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon