Special Chapter

16K 749 200
                                    

Hey, it's Hannah!

This will be the first special chapter for My Heartbreaker and the last for the Heartbreakers Series. 

Always keep safe and hydrated! 

--

Special Chapter

"Heartbreaker ko!" Agad akong natigilan at nilingon si Daniel nang may kaunting inis sa ekspresyon ko. 

I sighed as I watched him walk towards me. Hawak ko ang ilang mga papers na kailangan para sa isa sa mga subject namin at ang crossbody bag ko.

Daniel is wearing his jersey. Galing sigurong practice at nakita ako kaya sa akin dumiretso.

Hindi na kami madalas kung magkita ni Daniel, 'di tulad noon na lagi kaming magkasama. Magka-iba na rin kasi kami ng course at minsan lang kaming nagiging magka-klase sa isang subject. Pero kahit na gano'n, sa tuwing nagkikita kami, parang walang nagbago sa aming dalawa. 

Pagkatapos nga lang ng nangyari noong senior high school kami, hindi na s'ya tumitigila sa pang-aasar sa'kin.

Nakita kong may napalingon sa aming ilang mga estudyante dahil sa isinigaw ni Daniel kanina. I sighed in embarrassment.

"Tigilan mo, Daniel," I said.

Ngumisi si Daniel sa akin at lumapit, hindi pinapansin ang sinabi ko at sabay kaming naglakad paalis doon.

He kept on calling me that. Kaya ang mga kaibigan ko tuloy sa klase at sa org, 'yon na rin ang itinatawag minsan sa'kin bilang pang-asar.

It's been almost two years since I started avoiding Frida.

Kumuyom ang panga ko nang maalala 'yon... hindi dahil nagagalit ako. There's this pain in my heart that I can't ignore. Parang may kulang. Mabigat sa pakiramdam na pati ang araw-araw kong ginagawa, naaapektuhan. 

Umubob ako sa isa sa mga carrel desks ng library ng Torrero University. I have a lot of readings to do. I have due dates to worry about and I am still not making any progress.

Kalat na sa lamesa ang mga papel na kanina ko pa sinusubukang alalahanin. Ang dami ko nang method na sinubukan para manatili ang atensyon ko sa ginagawa pero laging bumabalik ang isipan ko sa ibang mga bagay.

I always have times that I feel like this. Na parang may kulang at wala akong magawa para punan 'yon. Nakakapagod ang mag-isip nang mag-isip. Nakakapagod 'yung sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko na hindi ko naman alam kung ano ang lunas. 

Dahil hindi ko alam kung ano ang kulang.

But who am I kidding? Alam ko kung ano ang kulang.

Alam ko kung sino ang kulang.

Kumirot ang dibdib ko sa naisip at napabuntong-hininga ako. I clutched my polo, just above my heart. 

This is why I can't admit that it's Frida I am looking for.

Laging kumikirot ang puso ko sa tuwing tinatanggap ko na s'ya nga 'yung kulang. Kasi alam kong hindi ko pa kayang bumalik. 

Napalunok ako at napapikit. 

Hinahanap ko pa rin s'ya sa campus. At sa tuwing nakikita ko s'ya, sinusubukan kong hindi magpakita. 

I get mad at myself because of that. I was so adamant about choosing myself but with each step I take to move forward, I always glance back at her every time.

Sa bawat hakbang ko palayo, bumabalik ang sulyap ko sa kung saan ako nanggaling. Sa kan'ya pa rin. Sa kan'ya pa rin ako dadalhin ng isipan at mga hakbang ko. Sa alaala n'ya pa rin titibok ang puso ko.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now