Chapter 3

15.5K 890 658
                                    

Chapter 3

Dahil sa naging matataas na grado, I was able to make it to the special section the next school year. Nalulungkot ang mga naging kaklase ko noon dahil do'n but at the same time, they were really happy for me. They told me that I deserved a spot in that section because I had been hardworking for the whole year.

Nagkaro'n din ako ng scholarship dahil sa mataas na grado. Natuwa si Papa kaya tinaasan n'ya ang baon ko. Hindi kasi kailanman pumasok sa honor roll si Kuya kaya tuwang-tuwa sa akin si Papa kapag napapasok ako sa honors.

Sa tingin ko, hindi naman ako gano'n katalino. Kung matalino ako, napasok na dapat ako kaagad sa special section noong Grade 7. Pero dahil sa pagsisikap ko at pagsisipag, umangat nang medyo mas mataas ang grado ko. Still, I couldn't get in the top 5. Nasa top 9 ako. Ang nangunguna sa honor roll ay si Uriah Penalver. Si Yovan Romero ang nasa third spot.

Kabado kong hawak ang strap ng bag ko nang pumasok ako sa room ng special section sa unang araw ng klase. Napalingon ang mga estudyanteng nasa loob ng klase sa akin, gulat na nakita akong pumasok sa klase nila.

Their room is not different from the other rooms. Iyon nga lang, sa hitsura pa lang ng lahat ng nasa klase na 'yon, alam ko na kaagad na matatalino silang lahat.

I'm in for a healthy competition. Balita ko naman, hindi naman daw toxic ang competition sa special section. If anything, they are helping each other to rise to the top.

"Frida?" Gulat na sabi ng ilang nakakilala at parang naging hudyat 'yon para magsimula ang asaran.

"Yovan! 'Yung crush mo!" Tawa ng isa sa mga nandoon at agad kong hinanap ang kinaka-usap.

I saw Yovan, standing at the back part of the class with shock written all-over his face.

Nagtilian ang ilang mga babae sa pang-aasar pero hindi ko na binalingan pa ang lahat ng 'yon. Nginitian ko si Yovan bago naglakad papasok sa room nila, slightly feeling more confident to enter and make friends.

"Frida? Dito ka na magka-klase?' Tanong ng isa sa mga babae.

Nahihiya akong tumango.

"Ah, oo. Umabot kasi ang grade ko, eh," I answered.

"You're smart! Hindi na nakakapagtaka 'yon!" Sabi ng isa sa kanila at napangiti ako bago nagpasalamat.

"Hoy! Paupuin n'yo si Frida!" Tawa ng isa at nilingon kaagad si Yovan kaya napatingin tuloy ulit ako sa gawi kung nasaan s'ya.

"Yovan, sa'n ka naka-upo?" Pilyong tanong ng isa sa mga kaklase ko na ngayong lalaki.

But Yovan didn't answer, he looks shy and conflicted. Hindi n'ya ako tinitingnan.

"D'yan! Sa gitna!" Sabay turo ng isa sa mga lalaki sa gitnang row sa bandang dulo, katabi ng pader.

Mukhang marami na sila sa klase at may kan'ya-kan'ya nang puwesto. Hindi ako madadaliang humanap ng ibang upuan. At kung katabi ko naman si Yovan, wala naman sigurong masama ro'n.

He looks kind. Siguro naman ay masisiyahan akong maging seatmate s'ya.

"Dito! May available--"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaking nagtuturo ng bakanteng upuan sa bandang harapan at si Abe Frontera na tinatakpan ang mga labi ng lalaki habang natatawa.

"Hindi, Frida! D'yan ka na sa tabi ni Yovan," sabay tanggal ng isang kaklaseng lalaki sa bag ni Yovan na nakalagay sa upuang katabi ng pader.

Nahihiya akong ngumiti at lumapit doon. Inilagay ko ang bag ko sa upuan at pinagmasdan ang kaklaseng lalaki na inilalagay ang bag ni Yovan sa upuang katabi ko.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now