Chapter 9

11.2K 473 89
                                    

Chapter 9

Bago pa man natapos ang buong school year ko sa grade 9, napansin ko ang madalas na paggasta ni Papa ng pera. Kumuha s'ya ng kasambahay, bumili ng ilang appliances, at dinagdagan n'ya ang perang ibinibigay sa amin ni Kuya.

I was thankful because Papa is starting to achieve what he wanted. Pero nakakaramdam din ako ng hindi maganda ro'n. Iniisip ko na lang na dahil 'yon sa kalungkutan ko sa tuwing hindi namin s'ya nakakasabay sa pagkain at sa tuwing hindi s'ya nakakasama sa pagsisimba namin o pag-alis, 'di tulad ng dati na lagi s'yang may oras para sa amin.

Nagpatuloy ang business ni Papa kasama si Tito Allan hanggang sa nagtapos ako ng grade 9. Hindi na s'ya nagku-kuwento pa tungkol do'n but I've noticed how Mama started getting angrier with Papa as time goes by. Lagi nang galit ang salubong n'ya kay Papa sa tuwing umuuwi ito minsan ng alas-onse o 'di kaya ay madaling araw.

Hindi nagku-kuwento sa akin si Mama pero naririnig ko ang mga pinag-aawayan nila at ang dahilan ng galit ni Mama.

Papa goes home drunk. Amoy sigarilyo at alak. Nakikita ko ang mga pictures na naipo-post sa social media ni Tito Allan at naka-tag kay Papa kung saan kasama nila ang ilang kongresista at ilang kilalang businessmen. I saw Montecristos, Lopezes, and Montenegros in it.

Papa also has debts, ayon sa narinig ko. I don't know how that happened.

Narinig ko lang sila, isang gabi, galit ang mga salita ni Mama. Papa borrowed money from lolo, Mama's father. That's how she learned that Papa has a huge amount of debt, hindi lang sa lolo kundi sa iba pang mga tao.

Why is he borrowing money? Para ba sa negosyo? Is that how it works? Is that how business works?

"Isa ho n'yan," turo ko sa pinabibili ni Mama sa tindahan.

Tumingin sa akin nang matagal ang tindera at kumuha na ng bibilhin ko.

"Ikaw, 'di ba, 'yong anak ni Flor? Frida ba?" Pakikipag-usap n'ya sa akin nang iabot ko na ang bayad.

Tumango ako at ngumiti. Hindi kasi ako pala labas ng bahay kaya hindi malapit sa mga kapit-bahay. Kaya rin siguro hindi sila sanay na nakikita ako.

"Opo," magalang na sagot ko.

"Maganda ka, Suarez na Suarez," ngiti n'ya. But I feel uncomfortable with the way she stares at me. "Dati, no'ng bata ka pa, nakikita kitang nakikipaglaro r'yan sa kalsada. Dalagang-dalaga ka na ngayon," she chuckled so I chuckled too.

"Salamat po," I said.

Inabot n'ya sa akin ang binibili ko at tinanggap ko naman 'yon.

"'Yong Papa mo? Ayos lang ba? Naririnig ko d'yan kina Rosa, may bagong negosyo raw?" Tanong n'ya at napatikom ang bibig ko.

I don't know how they knew that. Sinabi ba ni Mama sa kanila? Imposible. She doesn't like talking to our neighbors because they love gossiping with each other.

"Ah, opo," magalang na sagot ko.

"Naku, sigurado ba 'yan? Balita ko, umuutang s'ya r'yan kina June, ah?" Tukoy n'ya sa isang malapit na kapit-bahay din.

Kumuyom ang panga ko. Umutang si Papa sa kapit-bahay?

"Salamat po rito," pag-iiba ko sa usapan, umamba nang aalis pero mukhang hindi pa tapos sa pakikipag-usap sa akin ang tindera.

"May kotse palang naghahatid sa'yo r'yan no'ng nakaraang may pasukan pa, ah? Binata, mukhang mayaman. Sabi nina Rosa, guwapo raw. Nobyo mo ba 'yon?"

I don't know why I suddenly got irritated. Ang tagal nang pabalik-balik ni Yovan dito, ah? Matagal na rin ba nilang pinag-uusapan 'yan?

"Hindi ho," pinilit kong sumagot pa rin nang maayos.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now