Chapter 21

12.2K 457 135
                                    

Chapter 21

"You'll work?" Tanong ni Yovan habang naglalakad kasabay ko papalabas ng campus.

We are walking in a pathway. Dumadaan ang ilang mga sasakyan sa katabing kalsada. Yovan smoothly switched our sides. S'ya na ang naglalakad sa tabi ng kalsada at hinayaan n'ya akong lumakad sa kaliwa n'ya.

I calmed myself down. He's always been like that, Frida. Bakit parehas pa rin ang nagiging epekto sa'yo?

Suddenly, the trees beside the road swayed slower than usual and the heat of the afternoon softened and warmed in a nice soothing way. Just like before.

Tumango ako bilang sagot. Tumango si Yovan at ngumiti sa akin.

"Is it hard?" He asked. "Working while studying?"

Tumango ako. I adjusted my bag on my shoulders and lightly bit my lip.

"Lalo na kapag maraming ginagawa sa school. Hindi ako nakakasama minsan dahil tumatama sa shift ko ang oras," I said, remembering the times when I struggled with my schedules.

Tumango si Yovan. "You're really amazing, Frida," ngiti n'ya sa akin.

Uminit ang mga pisngi ko pero hindi ko napigilang mapangiti. The wind blew differently once more and different light colors played around us.

"Ikaw din. Hangang-hanga ako sa kabaitan mo," I chuckled.

"Hindi naman ako mabait," tawa ni Yovan at sinuklay ang buhok n'ya, something he does whenever he's shy or nervous.

"You are," I insisted. "Lahat, sinasabi 'yon. At alam ko dahil kilala kita."

Natahimik kaming dalawa. But he's smiling so I felt calm. Tahimik lang kami hanggang sa magpaalam kami sa isa't isa nang makalabas na ako ng campus at umalis na papunta sa part time job ko. Inasahan kong makikita ko ulit si Yovan... but he didn't show up.

Masyado kang umaasa, Frida. It's not the same anymore. He wouldn't be there for you all the time unlike before. Tumanda na kayo at marami na'ng nagbago. Puwedeng gusto ka pa rin n'ya... pero paano kung hindi na tulad ng dati?

"See?" Ngiti ni Edrei habang ipinapakita sa akin ang phone n'ya isang umaga nang mag-break time at sumama ako sa kan'ya nang mag-aya s'ya.

Ipinakikita n'ya ang newsfeed ng social media n'ya kung saan nagkalat at bumaha ang mga post tungkol kay Leion Zendejas.

I stared at his phone with amazement. Sikat na sikat na si Leion. Ang dami nang nagpupunta sa gymnasium para manuod ng basketball practices nila dahil sa kan'ya.

I sneak in their practice sometimes because the next heartbreaker would be from the team too.

"The social media works that way. Hype something up and they will ignore the other issue," sabi ni Edrei at sumandal sa isa sa mga upuan ng office ng campus journalism.

Tumango ako at humigop sa straw ng inuming binili kanina.

"May nag-pasa ng bagong article na tungkol kay Leion," sabi ni Edrei sa akin.

I looked at him and frowned. "Who wrote it?" I asked.

"Si Regine. I told her to write something about Leion, baka makatulong sa lalong pagsikat ng article," aniya.

"Tungkol saan?" I asked.

"Sa relasyon ni Leion Zendejas sa isa sa mga Arts and Design students," Edrei shrugged.

Nanlaki ang mga mata ko. "Relasyon?"

"It's all over the internet now. They're not really keeping it a secret. May malapit nang babae kay Leion," aniya.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now