Chapter 14

11.7K 582 300
                                    

Chapter 14

Perfect Heartbreaker. Leion Zendejas. Grade 12. ABM.

I pursed my lips as I stared at my notebook. How can I gather information about him if he has no friends? Sikat si Leion pero hindi 'yon sapat para malaman ko pa ang lahat ng impormasyon tungkol sa kan'ya. I wonder where I can get more information about him. Sa mga kaklase n'ya, wala naman akong kakilala.

Mas madaling makakuha ng impormasyon kay Eli Dasilva. He isn't as private as Leion. Ang dami rin n'yang kakilala at kaibigan. Marami ring... flings or ex girlfriends. 

Agad kong isinara ang notebook ko nang may biglaang umupo sa tabi ko. Gulat kong nilingon kung sino 'yon at natulala ako nang masalubong ng tingin ko ang mga tingin ni Janus.

"Kumusta?" Ngiti ni Janus sa akin, nasa magkabilang armchair ang magkabilang siko at diretso ang tingin sa akin.

Napatingin ako kay Mavis Alcantara, isa sa mga bagong kaibigan nina Janus at Abe, na ngayon ay tahimik na nauupo sa upuang katabi naman ni Janus.

Nasa loob kami ng classroom. Break time kasi at marami nang lumalabas para kumain. Nag-stay naman ako sa room kahit na inaaya ako ni Edrei na kumain kanina. It's been a while since Janus and I last talked. Nitong magka-klase kami, nagkakatinginan lang kami at hindi nagkaka-usap. Sa tingin ko, nahihiya rin s'yang kausapin ako.

"Tagal mo ring nawala sa Torrero University, ah?" Janus chuckled. "Si Mavis," pakilala n'ya kay Mavis.

Napatingin sa akin si Mavis at agad ko s'yang nginitian. He nodded at me.

"Sa'n ka nag-aral?" Ngiti ni Janus sa akin.

"Ah, public school," I chuckled. "Hindi na kaya nina Mama kaya lumipat ako."

Tumango si Janus. Nakaramdam ulit ako ng ilang nang sabihin 'yon but Janus seems to find it normal. Like Abe's reaction, parang normal lang 'yon at hindi s'ya naka-isip ng kahit anong panghuhusga.

It feels refreshing. Why haven't I seen them before? The people who wouldn't judge me for what I am going through or for what I have gone through. Kung nakita ko siguro sila noon, siguro hindi ako natakot at nangamba.

"Kamusta naman do'n? Mas mahirap ba?" Ngiti n'ya.

Nag-mature din ang hitsura ni Janus. He still looks easy to be with and fun pero nakikita ko sa kan'ya na may mga nagbago na rin. Tumangkad s'ya at mas naging tama ang puwesto ng hubog ng katawan. His eyes are playful yet it looks mature too.

"Medyo. Pero galing naman ako ro'n no'ng elementary kaya medyo sanay na rin," tawa ko.

Janus and I continued talking. Inaya n'ya akong kumain pero tumanggi ako at nag-stay na lang sa room. Gano'n din tuloy ang ginawa n'ya dahil gusto n'ya raw akong samahan.

Wala pa akong kaibigan sa klase maliban kay Edrei. Iwas kasi ako at mailap.

"Kumain na kayo," nahihiyang sabi ko kina Janus.

Ngumiti si Janus at tiningnan si Mavis na abala sa phone.

"Pupunta rito si Abe. Magpapabili na lang ako," ngisi ni Janus at kinuha na nga ang phone para magpabili kay Abe. "Ano'ng iyo?" He asked me.

Pero bago pa man ako makatanggi, napatigil ako at nagulat sa pagmumura ni Janus, nakatingin sa phone n'ya.

"Kuripot talaga nito kahit kalian!" Pabirong galit na sabi ni Janus, tinutukoy yata si Abe habang binabasa ang nasa phone.

Agad akong napatawa. I'm glad that Abe and Janus are still friends. Isa sila sa nakaka-aliw na magkaibigan no'ng junior high school. A year has passed and I think, their friendship hasn't changed a bit. Parang si Yovan at Daniel. Napanguso ako nang maalala sila.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now