Chapter 22

11.8K 465 108
                                    

Chapter 22

"Nand'yan ulit ang baby mo, ah?" Siko sa akin ni Charm nang may malokong ngiti sa mga labi.

Nasa counter na kaming pareho dahil tapos na ang ikutan namin sa stations at sa cashier na ang huling puwestong hahawakan namin. Sabay din kasi kaming nagsimula ni Charm kaya nagsabay rin sa paglilipat ng stations. Kapag naglilipatan na kasi kami ng station, pinupunan ng mga bagong intern ang mga naiwang stations.

Sinulyapan ko ang inginunguso n'ya at nakita ko sa likuran ng mga nakapilang customers sa cashier ko, nakatayo si Yovan kasama si Daniel na nakasimangot sa kan'ya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako. He went today!

Naka-school uniform si Yovan habang naka-itim na shirt naman si Daniel at sweatshorts. Si Yovan, sukbit ang cross body bag sa isang balikat habang sukbit naman ni Daniel ang gym bag sa isang balikat, mukhang kagagaling lang ng practice o baka didiretso pa ng practice mamaya.

"Gulat na gulat?" Tawa ni Charm at sinamaan ko s'ya ng tingin. "Mukhang mabait talaga! Yet still manages to be boyish. Gets mo?"

Napanguso ako at tumango, umiinit ang pisngi kapag naaalala na nandito lang si Yovan! Ulit!

Hindi ako nagsalita at inayos na lang ang pag-iinput ng order sa monitor.

Sandaling hindi ako kina-usap ni Charm dahil naging abala s'ya sa mga nakapilang customers sa cashier n'ya pero pagkatapos no'n, binalingan n'ya ulit ako.

"Kung hindi mo jowa 'yan, ipakilala mo na lang ako," halakhak n'ya.

Sinamaan ko ng tingin si Charm at sinimangutan.

"Mas bata s'ya sa'yo," I pointed out.

"Ano ngayon? Age doesn't matter!" Tawa n'ya. "Sabihin mo lang kung gusto mong iyo lang s'ya, rerespetuhin naman kita, eh," kibit-balikat n'ya at na-iling ako dahil sa sinabi n'ya.

"Ayan na!" Excited na sabi ni Charm at nanahimik nang nakalapit na nga si Yovan sa akin.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa ni Yovan. May multo ng mga ngiti sa mga labi n'ya at malalim kung tumingin. Nawala nga lang ang atensyon ko sa kan'ya nang nauna akong batiin ni Daniel.

"Hi, Frida!" Ngiting-ngiting bati ni Daniel sa akin at agad ko rin s'yang nginitian. "Nandito rin ako last time pero hindi tayo nagkita kasi bumalik kaagad ako sa Torrero," aniya.

Tumango ako. "Kaya pala," I chuckled and looked at Yovan who smiled at me before I asked for their orders.

Galing siguro ng practice si Daniel no'n at na-aya nga ni Yovan na kumain muna sila sandali.

Habang pina-punch ko ang orders nila, kina-usap ulit ako ni Daniel tungkol sa huling punta nila rito.

"Bigla kasing nag-aya ng fast food si Yovan! No'ng makita kita, wala, alam ko na kung bakit biglang nag-aya," iling ni Daniel.

I heard Yovan hiss and he pushed Daniel a little, frowning at his friend. Napangiti ako at uminit ang mga pisngi bago nag-iwas ng tingin kay Yovan.

He's not denying it. So, is it true? S'ya nga ang nag-aya kay Daniel na pumunta rito? Kung gano'n, pa'no n'ya naman nalamang dito ako nagta-trabaho? Napanguso ako.

Nag-angat ulit ako ng tingin kay Yovan habang pumipindot ako sa monitor para sa orders nila and I saw him glaring at Daniel behind his pair of trendy glasses. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.

"Ah, hindi ba dapat n'ya malaman?" Tawa ni Daniel kay Yovan at hindi ko na rin napigilang matawa.

Umiling na lang si Yovan at nakita kong nangingiti rin s'ya dahil sa kalokohan ni Daniel at napapasuklay sa buhok n'ya bago nahihiyang iiwas ng tingin. Nang umalis sila para maghanap ng mauupuan, kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti na napansin naman ni Charm kaya agad n'ya akong inasar.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now