Chapter 23

11.4K 470 116
                                    

Chapter 23

I frowned as I stared at my mother who's still mum and guilty about what she said. Tiningnan ko si Kuya at nakita ko ang madilim na tingin n'ya kay Mama.

"Kuya, what is it?" I asked, curious about what Mama failed to say.

Umiling si Kuya, dismissing the conversation. Kinuha n'ya ulit ang helmet, ayaw nang pag-usapan pa ang tungkol doon.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo. Rest. Pagod ka sa trabaho mo," aniya, tinitingnan ako nang diretso gamit ang seryosong mga mata.

I pursed my lips. Tiningnan ko si Mama, umaasang sasabihin n'ya kung ano 'yon pero nanatili s'yang tahimik. She's avoiding my eyes, guilty of what she said almost said.

Hanggang kinabukasan, iniisip ko ang sinabi ni Mama na pinutol ni Kuya. Ano 'yung hindi ko alam? What did they do to Yovan? Or what did they make him do? What did Yovan do?

Kahit anong pag-aabang ko kay Mama, umaasang sasabihin n'ya ang tinatanong ko, hindi talaga n'ya sinabi ang tungkol do'n. Kahit nang tanungin ko ulit s'ya no'ng umaga, hindi pa rin n'ya sinabi. 

I finally completed the article about Abe kaya naman kinabukasan, sa office kaagad ng campus journalism ang gusto kong puntahan. I also messaged Edrei na magkita kami ro'n sa umaga para maibigay ko sa kan'ya ang mga kakailanganin. He said he'll come so I assume, nando'n na s'ya sa office by now.

Sukbit ang backpack sa isang balikat, I ignored the path towards our class and took the hallway towards the office of the campus journalism.

Tahimik pa dahil maaga pa. Maliwanag na at medyo makulimlim ang langit. Basa pa ang lupa dahil sa ambon kaninang umaga.

It's August. Madalas na ang pag-ulan at medyo malamig na rin ang panahon. Next month, magiging abala na ang lahat. Bukod sa contests sa iba't ibang schools, simula na rin ng laro ng basketball. Dahil do'n, alam kong magiging mas abala ang campus journalism. Kailangan i-cover ang lahat ng laro'ng 'yon at may mga sasalihan ding iba pang patimpalak ang writers.

Pati si Edrei, alam ko ay lalaban din sa isa sa mga writing contests. Kaya nga gusto ko nang tapusin kaagad ang lahat ng articles para sa heartbreakers. Ayokong gahulin pa si Edrei o ako. Alam kong magiging abala kaming dalawa. Exams are coming too. Kailangan din naming mag-aral. 

"Frida!"

Agad akong huminto at napalingon sa tumawag sa akin. Natigilan ako nang makita ang papalapit na si Yovan, with his gray crossbody bag hanging across his chest. I gulped as I stared at him.

Suddenly, Yovan looks more handsome today, especially with the silence of the morning inside Torrero University and his fresh look. Suot-suot n'ya ang malinis na uniform at sinusuklay ang buhok gamit ang kaliwang kamay habang papalapit sa akin.

Normally, sa ganitong month noon, madalas na kung magsuot ng hoodie si Yovan o 'di kaya ay sweater. But today, he looks fresh like summer. Sa short sleeves na puting polo at itim na pants, he looks really boyish and attractive, slightly different from the shy Tavian Giovanni Romero from Grade 7. 

When he's finally in front of me, I got a whiff of his perfume and he gave me a small smile.

"Hindi ka pa papasok?" He asked.

Ngumiti ako sa kan'ya at umiling.

"Ipapasa ko na 'yung article tungkol kay Abe," I said. "Ikaw?" I asked.

"Pupunta na muna ako sa office ng council," aniya, ngumingiti sa akin pagkatapos.

Tumango ako at sabay kaming naglakad ni Yovan papunta sa offices namin.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now