Chapter 11

11.4K 524 92
                                    

Chapter 11

"Happy birthday," abot ko kay Yovan ng card nang maka-upo na kami sa upuan naming dalawa.

Yovan looked at me at nakita ko ang gulat n'ya. His innocent eyes glinted before he looked at the card.

Uminit ang mga pisngi ko habang tinitingnan n'ya 'yon. I feel lame for giving him this, pero hindi naman ako maka-isip ng ibang ibibigay. Late na 'to dahil lumipas na ang birthday n'ya, pasko, at bagong taon.

Yovan smiled before he took it from me. It's a hard and thick paper. I drew on it at naglagay ng ilang mga designs. I'm not really good at art but I think I did great on that card. Pakiramdam ko lang talaga, hindi sapat ang regalo kong 'yon sa kan'ya.

"Thank you, Frida," he said, smiling at me while his eyes glistened with joy.

Uminit ang puso ko habang tinitingnan si Yovan. 'Yon lang naman ang binigay ko pero parang ang saya n'ya. Para bang ginto ang binigay ko at hindi isang simpleng card. Napanguso ako habang tinitingnan s'yang ipinapasok 'yon sa bag n'ya.

"Ayaw mo ba talagang tanggapin 'yung regalo ko?" Nguso n'ya nang tiningnan ulit ako.

Umiling ako. "Mahal nga, Yov," I told him.

"Para talaga sa'yo 'yon," he sighed.

Nakaharap ako sa kan'ya, nakasandal na sa pader na nasa gilid ko habang nakaharap din s'ya sa akin, pumapangalumbaba sa armrest na nakapagitan sa aming dalawa. Because he's near to me, I can perfectly see his smooth skin and the details of his eyes.

His eyes are dilated and glinting. It has a hint of a brown shade. Mahaba ang mga pilikmata at maganda rin ang lower lashes. He always looks at me like this and my heart would always beat fast. Kasi alam ko kung bakit s'ya gano'n tumingin sa akin. Yovan likes me... and he never failed to make me feel it.

"Ibigay mo na lang sa akin pag-graduate natin," I smiled at him.

Ngumiti si Yovan, parang nagustuhan n'ya ang sinabi ko. My heart warmed because of his smile.

"Ng junior high school?" He asked.

"Ng college, Yovan," I told him, chuckling a bit.

Lalong lumawak ang ngiti ni Yovan at tumitig sa akin.

"We'll last that long," he mumbled and his cheeks flared up.

He likes the thought. I like it too. Napangiti ako nang kaunti. I hope we'd last that long.

"Anong course ba ang gusto mong kunin?" He asked me.

Agad akong napa-isip sa sinabi n'ya. Marami na sa kaklase ko ang naging abala sa paghahanap nila ng school para sa senior high school. Ang iba, dahil lumaki na sa Torrero University, gustong lumipat para maka-experience ng ibang school. Ang karamihan, mananatili sa Torrero.

Ako... I'd want to stay at Torrero University. Pero sa tingin ko, medyo malabo pang mangyari 'yon.

"Hindi ko pa alam, eh... but for sure I'd take HUMSS," I told him.

The strand just sounds appealing to me.

"HUMSS," tango n'ya at ngumiti. "Ako rin kung gano'n," tawa n'ya.

Pinaningkitan s'ya ng mga mata.

"'Wag mong i-base sa akin ang gusto mong kunin, Yov," seryosong pangaral ko sa kan'ya.

Napatawa si Yovan at tumango. "Gusto ko nga 'yon, Frida."

He leaned closer to me, smiling widely at me na para bang sa gano'ng paraan, mapapatawad ko s'ya sa sinabi n'ya. Tumaas nang kaunti ang kilay ko at uminit ang mga pisngi dahil sa paglapit n'ya sa mukha n'ya. He looks cute and handsome at the same time. Sobrang charismatic. No wonder Mama liked him.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant