Chapter 26

11.1K 449 51
                                    

Chapter 26

"I think, our club adviser allowed the articles," tukoy ni Edrei sa article na na-publish noon tungkol sa break up nina Eli at Cyra.

Matagal na 'yon pero hanggang ngayon, kapag naaalala namin ni Edrei ang nangyari, hindi namin maiwasang isipin kung paano na-publish ang article na 'yon.

"Hindi ko nakita ang draft no'n. It just appeared," Edrei shook his head. "Kung nalaman nila na hindi ko man lang nalaman kung sino ang nag-publish ng article..." He trailed off.

"Tingin mo, may kinalaman si Ma'am Diaz?" I asked Edrei, tinutukoy ang club adviser namin.

"How else would someone publish the article without my knowledge?"

Natahimik ako at tumango. "How about the editors of the layout?" I asked.

"Still, it would need my approval, Frida."

Tumango ako at iyon ang iniisip nang lumabas na ng office ng campus journalism. Edrei's right. Kung nalaman siguro ng mga nakatataas na hindi alam ni Edrei ang na-publish na article noon, tiyak na mapapagalitan s'ya.

It was what occupied my mind as I went out of the campus. Nawala lang ang isipan ko ro'n nang nasa trabaho na ako.

I stared at the newly hired part-timers at the fast-food restaurant I am working at. Nag-hire ulit ng mga bagong part-timers. Pinagmasdan ko sila isa-isa and my eyes widened a bit when I saw Nicodaine Aceves standing among them.

Napa-awang ang mga labi ko habang pinagmamasdan s'ya sa suot n'yang puting polo shirt, black slacks, at itim din na cap. She'll work here too?

When our eyes met, nahalata ko ang gulat sa mga mata ni Nicodaine pero agad n'ya akong nginitian kaya nginitian ko rin s'ya pabalik.

When they have finally been oriented about their job, nagsimula na rin naman kaagad sila. Sa lobby ang unang station ni Nicodaine at pinagmasdan ko s'ya habang nasa cashier ako. May isa sa mga ka-trabaho ko ang nagtuturo sa kanila kung ano ang mga dapat nilang gawin.

"Kilala mo?" Tanong ni Charm sa akin nang mapansin na kanina ko pa pinagmamasdan si Nicodaine.

Nilingon ko ulit si Nicodaine at nakita ko ang pag-assist n'ya sa bagong dating na customer papunta sa isa sa mga tables. Tumango ako kay Charm, ibinabalik ang tingin sa cashier.

"Schoolmate ko sa Torrero University," tipid kong sagot kay Charm.

Tumango si Charm at nagpatuloy sa trabaho. I couldn't help but look at Nicodaine from time to time. Nagtataka kasi ako kung bakit s'ya nandito. Why? I mean... as far as I can remember, hindi naman n'ya kailangang magtrabaho rito. 

Nawala lang ang atensyon ko kay Nicodaine nang sikuhin ako ni Charm para kuhanin ang atensyon ko.

"Huy, nand'yan ang baby boy mo," she chuckled and I frowned at her in confusion.

At nang iangat ko ang tingin sa entrance ng restaurant, nakita ko nga ro'n si Yovan, diretso kaagad ang tingin sa akin habang papasok. Suot n'ya pa ang uniform at bitbit ang crossbody bag. He smiled at me and went to my counter.

Narinig ko ang maingay na tikhim ni Charm bago in-entertain ang customer na lumapit sa kan'ya.

"Hi," I greeted and my cheeks heated up because of the casual greeting.

Ngumiti si Yovan sa akin at nag-angat ng tingin sa menu bago ibinaba ang tingin sa akin at sinabi ang order n'ya. Tumango ako at yumuko sa computer. Parang biglang na-blangko sa kung ano ang sunod na dapat kong gawin dahil tumagal ang titig ko ro'n.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now