Chapter 4

14.2K 573 198
                                    

Chapter 4

"Tam, tara!" Narinig kong tawag ni Janus kay Tamaryn nang mag-break time.

Agad na napalingon si Tamaryn kay Janus na ngayon ay kasama na si Abe na nasa phone ang atensyon.

"Sige! Wait," natatawang sabi ni Tamaryn bago inayos ang gamit at sumama na kina Janus.

She walked beside Abe. Napalingon naman ito sa kan'ya at mukhang may itinanong si Tamaryn na sinagot naman ni Abe. I watched them walk out of the classroom.

Transferring to a new section is unexpectedly hard during break times. May kan'ya-kan'ya na silang grupo kaya hindi ko alam kung kanino ako makikisali. Kaya naman nang mag-break time, kahit na hindi naman ako pupunta sa cafeteria para kumain, tumayo pa rin ako para makisabay sa paglabas.

Nagkatinginan kami ni Yovan nang tumayo na ako para umalis na rin sa klase. Mukhang si Daniel ang kasama n'ya sa break time.

I noticed that Yovan has innocent eyes. Ang mga mata n'ya ang pinakamabait sa lahat ng features ng mukha n'ya. He looks at people innocently kaya kahit seryoso lang naman ang mukha n'ya, para akong nakatingin sa isang cute na bata na nag-aabang ng candy.

Ngumiti ako sa kan'ya at inasahan ko na na hindi n'ya ibabalik ang ngiti ko kaya dumiretso na ako palabas ng klase dala ang bag ko. Nahihiya kasi akong nagbabaon pa ako ng pagkain kahit na grade 8 na ako.

Tinaasan naman ni Papa ang baon ko pero alam kong hindi pa rin 'yon sapat para makipagsabayan akong bumili sa cafeteria. Madalas ako sa likod ng building ng junior high school students. Dati, kasama ko kung pumunta si Vivian dito. Pero dahil magka-iba na kami ng section at magka-iba pa ng oras ng break time, hindi ko na s'ya makakasama sa mga ganitong oras.

Dahil bihira rin naman akong gumamit ng phone at hindi rin naman madalas kung mag-online sa social media, hindi na rin kami madalas kung makapag-usap ni Vivian o ng iba pang mga naging kaibigan ko no'ng grade 7.

Mapuno sa likod ng building pero may mga benches naman doon at tables na concrete. Ang alam ko, dito madalas kung magpunta ang mga lalaking schoolmate na nahuhuling gumagamit ng droga o 'di kaya ay nagsusugal.

Dati, akala ko, sa public school lang ang gano'n. But transferring to Torrero University made me realize that it's also happening in private schools.

Pero mukhang wala namang pumupunta na rito ngayon dahil lagi nang may nahuhuli rito. Alam na ng mga teachers at guards na dito ang dapat nilang tingnan kung may pinaghihinalaan silang lumalabag sa school rules.

Halos mapatalon nga lang ako sa gulat nang may marinig akong dumating sa kung nasaan ako. Napalingon ako sa kung sino 'yon at may nakita akong babae. She looks like a year higher than us. Grade 9 na siguro.

Napalingon sa akin ang babae pero agad din namang nag-iwas ng tingin nang may dumating pang isang lalaki.

Eli Dasilva in his usual junior high school uniform. Kumagat ako sa tinapay na dala at pinagmasdan sila. Hindi ba kasama ni Eli si Cyra? They're always together. At sino naman itong babae? Girlfriend n'ya?

"I like you, Eli!" The girl said with enthusiasm.

Nanlaki ang mga mata ko. She's confessing!

Tumango si Eli Dasilva. Kahit na grade 8 lang din naman tulad ko, matangkad pa rin s'ya kaysa sa babaeng kausap. He's pocketing his right hand at maganda ang tindig n'ya sa harap ng babae.

The girl is pretty... but Cyra is prettier.

"Alright," sabi ni Eli at napanguso ako.

"Boyfriend na kita, ha!" The girl chuckled, namumula ang mga pisngi.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon