Chapter 34

12.2K 576 268
                                    

Chapter 34

"Frida! I admire you so much!" Salubong ng kaklase kong babae sa akin kasama ng isa n'ya pang kaibigan kinabukasan nang dumating ako sa klase.

Napa-awang ang mga labi ko sa gulat dahil sa pagsalubong nila sa akin. They look really excited to see me, hindi ko inaasahan dahil hindi naman ako ganoon kalapit sa mga kaklase ko.

Napansin ko na nilingon din ako ng iba pang mga kaklase, mukhang inaasahan din ang pagdating ko.

Bakit?

"We saw the article and we freaking loved it!" My classmate squealed. "Girl! So confident and bold," she said, closing her eyes with excitement.

"Frida, I had no idea that it was you who published those articles!" Another classmate said at napabaling sa kan'ya ang atensyon ko.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan silang lahat na mukhang excited na makita ako. Hanggang ngayon, mukhang sariwa pa ang school paper sa kanila kahit halos dalawang araw na ang lumipas.

After my talk with Yovan yesterday, I didn't expect na ngayon pa talaga ako nagkaro'n ng lakas na pumasok pa.

My cheeks heated up when I realized how embarrassing it is that they read the article na mero'ng mensahe ko para kay Yovan. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang hiya.

The whole campus now knows that Yovan and I have a connection. No'n ko lang din binasa ang mga sinasabi ng mga tao sa social media nang maka-upo na ako sa puwesto ko at kinaka-usap ng ilang mg kaklaseng babae. Even the confessions on our club's Facebook Page are about us.

Hindi nasabi sa'kin 'to ni Edrei.

--

TU Freedom Wall
1 day ago

#TUFreedomWall14124

Frida Suarez is so brave! I cannot! It's so sweet na ginawa n'ya ang The Heartbreakers para kay Yovan Romero! OH MY GOD. Thinking about the past months na pinaghirapan n'yang gawin lahat 'to for him? Girl, you're in love!

I just hope that you two could end up with each other! I have so many friends who like Yovan pero sige na, girl, ikaw ang suportado ko!

Yovan is so precious and kind. Such a soft boi! :( He deserves all the love talaga!

kay abe na lang ako
ABM
SHS

12,937 likes | 573 comments | 342 shares

--

TU Freedom Wall
1 day ago

#TUFreedomWall14129

Seryoso ba 'to? Dati, no'ng junior high school kami, si Yovan ang sikat na sikat na may gusto kay Frida! Sana all naka-crush back!!! HAHAHA.

Frida, I really loved The Heartbreakers! Thank you rin, Yovan. If it wasn't because of you, baka hindi 'to ginawa ni Frida! Ah, my fangirling heart! Sana kapag grumaduate na kayo, matuloy pa ang The Heartbreakers! :(

hehe
HE
SHS

10,845 likes | 462 comments | 453 shares

--

TU Freedom Wall
23 hrs ago

#TUFreedomWall14130

Yovan finally got his girl na!

I can't believe it. Akala ko, tapos na sila no'ng junior high school kami but now... oh god, this is such a huge surprise! Yovan x Frida was the biggest ship back then and now, nagbalik na sila!

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora