Chapter 15

12.8K 533 125
                                    

Chapter 15

Napanguso ako habang pinagmamasdan si Yovan na nakangiting nakikipag-usap sa cashier. Binigay na namin kanina ang mga gusto naming kainin. Ayaw ko sanang magpasabay pa pero hindi ko alam kung paano ba ako tatanggi. It looks like Janus and Abe is enjoying this too.

"Kami na ni Yovan dito," lingon sa amin ni Callie, hindi ako ginagawaran ng tingin. "T'saka ikaw, Abe. Maghanap na kayo ng mauupuan, Janus."

Tumango si Abe at lumapit kay Yovan para tumulong. I pursed my lips. Tiningnan ko si Yovan at nakita kong nilingon n'ya kami pero ibinalik n'ya ang tingin sa kausap.

Tiningnan ko ulit si Callie at nagtama ang mga tingin namin. They look good together. Lalo na kapag naka-alalay si Callie kay Yovan. Naaalala ko kung paano naka-alalay si Mama kay Papa. Like a perfect couple. A perfect partner for each other.

Sa huli, sumama na ako kay Janus para maghanap ng table para sa amin. How did I even end up here? Dapat ay nasa klase lang ako at umiisip ng paraan para makagawa ng article tungkol kay Leion Zendejas.

"They're friends," sabi ni Janus ngumingisi sa akin habang inililibot namin ang tingin sa cafeteria para sa makakuha ng table para sa amin.

Napatingin ako sa kan'ya sa pagtataka. Nakita kong napatingin din si Mavis sa amin.

"Who?" I asked.

"Callie and Yovan," Janus shrugged. "Magkababata kasi sila kaya malapit sa isa't isa."

Natahimik ako at nilingon ang binibilhan nina Yovan at naabutan ko ang paghawak ni Callie sa braso n'ya. I tasted something bitter in my throat. Para bang masakit 'yon sa mata, iniwas ko kaagad ang tingin ko at nilingon ko ulit si Janus. Parang may biglang sumipa sa puso ko. My mind ran wild and I couldn't help but overthink.

"Bakit mo naman na-kuwento?" Tanong ko kay Janus.

"Wala," tawa ni Janus. "Kung ako kasi ang nasa posisyon mo, magseselos ako," tawa n'ya at uminit ang mga pisngi ko.

"I'm not jealous," I mumbled.

"Right," tango ni Janus, halatang hindi naniniwala at ngumiti bago dumiretso sa isang mahabang table na nabakante.

Tahimik akong na-upo sa tabi ni Janus habang nasa isang tabi n'ya naman si Mavis. I don't know why I agreed to this. I have no close friends here. Hindi naman ako gano'n ka-close kay Janus at Abe. And I'm definitely not close to Mavis. Dadating din si Daniel... but I haven't talked to him since Yovan distanced himself from me.

"Ano'ng strand ni Callie?" I asked Janus.

Ngayon ko lang kasi s'ya nakita ulit.

"Home Economics," sagot ni Janus. "Balak n'yang mag-tourism."

Napatango ako. Their hallway is a bit far from ours. Talagang pumunta si Callie rito para kay Yovan?

Nang dumating na sina Yovan, Callie, at Abe, inilapag na nila ang mga order namin sa mesa at tahimik ko namang kinuha ang para sa akin.

"Thank you," I mumbled to Yovan when he gave me what I ordered.

Nagtama ang mga tingin namin. I felt like something in me turned when our eyes met. Tumango si Yovan at umiwas ng tingin bago umupo sa upuang katapat ko.

Abe went for the chair beside me and he gave me a bottle of water. Napatingin ako sa kan'ya at nagtaka dahil hindi naman ako nagpabili no'n. Abe looked at me too.

"Ah, si Yovan," ngisi n'ya bago tuluyang na-upo sa tabi ko. "He bought one for each of us."

Natahimik ako at napatango bago sinulyapan si Yovan na ngumingiti sa sinasabi ni Callie sa kan'ya. And when Yovan glanced at me, I pursed my lips and smiled at him a little. Tumagal ang tingin sa akin ni Yovan bago s'ya nag-iwas ng tingin. Napabuntong-hininga ako bago nagpatuloy sa pagkain.

My Heartbreaker (Heartbreakers Series #5)Where stories live. Discover now