THIRTY THREE: Come Here

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko sila..." Huminto siya sa pagsasalita at pinaling ang mukha niya para harapin ako. "Pero mas gusto kita." Dugtong niya.

Lumaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Malamig naman dito sa labas pero naramdaman ko na uminit ang mga pisngi ko. Ano ba?! Bakit kasi bigla-bigla nalang bumabanat eh! Sanay nagsasabi para nakakapag-prepare ako.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa langit. Nagwawala nanaman ang mga paro-paro sa tyan ko!

He pulled me closer to him. Ang braso niya ang nagsisilbing unan ko ngayon. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago niya tuluyang isinara ang zipper ng tent. Tumagilid naman ako at niyakap siya.

"Bibi." I called his attention. Nilalaro niya ang buhok ko yung sensasyon na dulot nito ay hinehele ako.

Nakakaantok ang ginagawa niyang paglalaro sa buhok ko.

"Hmm?" Tugon niya.

Hindi ko alam kung tama na itong gagawin ko? I'm curious about his exes. I mean yung mga babae na na-link sakanya before. I want to know how he treated them. Ganito din ba siya sa kanila? Yung sweet na sweet at talagang nage-effort. O sa akin lang siya ganito?

I want to know those kind of things.

Kasi sa loob ng dalawang buwan, hindi pa naman iyon napag-uusapan. Not even once. Ayaw ko kasi sanang halungkatin ang nakaraan niya since nakaraan na nga iyon. Isa pa, natatakot din kasi ako. Natatakot ako na baka masaktan ako habang ikinukwento niya ang mga bagay na nangyari sakanya at sa mga babaeng na dikit sa pangalan niya.

We all know Andrew's reputation. Malabo na makita siya na walang babae na umaaligid sakanya.

"I-Ilan ang naging girlfriend mo?" I asked, hesitatingly.

Bigla siyang huminto sa paglalaro sa buhok ko. Bigla akong kinabahan dahil sa biglang paghinto niya sa ginagawa niya. Did I hit a nerve? Baka ayaw niya pag-usapan?! Hala!

Iba ang kabog ng dibdib ko sa bawat segundo na hindi siya nagsasalita.

He's not saying anything! Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at kaba na namumuo sa dibdib ko. I should have not asked him about his past! Ang kulit ko kasi eh!

"Do-don't mind me. Kunyari 'di ko tinanong iyon sayo. Hehe!" I smiled awkwardly kahit hindi niya namab iyon nakikita. Napapikit nalang ako dahil sa pagsisisi.

Kasi naman eh! May pa tanong-tanong pa akong nalalaman!

"I don't have ex-girlfriends."

Napatingala ako ng wala sa oras para sulyapan ang mukha niya dahil sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Sabi niya wala siyang ex-girlfriends?

Nagkasalubong ang mga mata namin. Mukhang inaasahan niya na ang ganitong reaksyon mula sa akin na tipong mapapatingin ako sakanya dahil sa gulat.

"Ikaw ang unang girlfriend ko. Those girls I've been before, they were all my flings. One night stands. I just fucked them then after that, it's done already." Kinilabutan ako sa paliwanag niya.

Hindi ako slow pag dating sa mga ganung bagay. Pero hearing it directly from him, nakakakaba! He was so frank and straight. He even say that he just f them!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ewan dahil sa nalaman ko. Kung wala siyang ex, ibig sabihin ako unang girlfriend niya. Pero on the other hand, hindi ako ang una niya pag dating sa ganoong bagay.

Then thoughts rushed to my mind. How many times did he do it? How many girls? How was it? Did he enjoyed it?

Oh my gosh! Then I found myself trying to picture him out doing those stuffs with a woman! Yung utak ko!

I suddenly feel hot. There's a fire and hot feeling burning inside me. What the hell is this?!

"Hey bibi, you okay?" Napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya na may kasamang mahinang pag-alog sa akin.

"O-okay lang ako." Gosh! Bakit ako nauutal?!

Mula sa pagkakah-kunot ng noo ay nagbago ang ekspresyon ni Andrew. Para bang bigla siyang may na realize na bagay at nag-iba ang tingin niya sa akin. He's looking at me as if I did something...something naughty.

"Ba-bakit ganyan k-ka makatingin?!" I don't like the way he's looking at me. He's even grinning!

Mukhang nalaman niya na iniisip ko yung bagay na iyon! Noooooo!

He moved and I instantly distanced myself from him. Mas lalong lumitaw ang ngisi niya. The hell! He's grinning devilishly!

"Bibi." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakatawag niya sa akin. His voice was husky and rough! Gosh! There was a tone of seduction!

No! No! Lumayo pa ako sakanya nung bigla siyang tumagilid. Ngayon magkaharap na kami dahil pareho kaming nakatagilid.

"Bibi. Come here." Tinapik niya ang espasyo sa pagitan naming dalawa habang naka-ngisi.

Mabilis akong umiling. No! Hindi ako lalapit sakanya. Ayaw ko nung tingin niya sa akin. Para bang may pinaplano siya na hindi maganda.

Pinasadahan niya ng dila ang mga labi niya. Tapos bahagyang kinagat yung ibabang part. Oh my gosh! Dahil sa ginawa niya ay lalong lumakas ang apoy na nararamdaman ko sa loob ko. I really feel hot! It's burning me already!

"Come here, bibi."

Umiling ulit ako. Hindi pwede! Kung ano man ang iniisip niya ay hindi pwede! Bata pa ako. Madami pa akong pangarap! Tsaka...tsaka wala pa akong e-experience!

Hindi pa pwede!

My Classmate, My Wife (Revised & Complete)Where stories live. Discover now