CHAPTER 53: I MISS YOU

61 10 11
                                    

JIMMY's POV

After 2 months~

Nung nalaman namin na umalis si Tristan at pumunta sa US naging tahimik na kami lalong lalo na si Johnny na panay kulong sa kwarto nya, tapos nung nalaman ko din na umalis din si Steven kasi kailangan nya daw ng space para makapag isip isip kung paano sya makaka-move-on sa kapatid ko. Wala na akong kakulitan, wala na yung isa ko pang pusa na laging tulog sa kwarto ko pag wala ako sa kwarto ko at doon sya matutulog sa kama ko.

"Ano susuotin nyo sa Prom Night?" Tanong bigla ni Hanz na hawak ang magazines. Binili nya yan nung napadaan kami sa gucci shop ni Tristan, after 2 months kasi umalis na si Tristan nun kasabay si Steven kaya 2 months na hindi namin nakikita ang dalawa at hindi din namin alam kung ok lang ba sila.

"Oo nga pala malapit na yung prom night natin." Saad naman ni Lily na nanunuod ng movie sa tv. Nasa living room kasi kaming lahat dahil bored kami dito nalang kami dumiretso para manuod ng movie, buti may bago akong download na movie ngayon.

"Tapos ikakasal na si Jillian." Natahimik ang lahat ng may nag salita banda sa may pintuan kaya mabilis akong napalingon. Kanina na ang liit ng mga mata ko pero ngayon nanlaki na dahil sa nakita ko ngayon.

Hindi ako makapaniwala na nandito na sya. Akala ko hindi na sya mag papakita eh.

"Hindi ka pa rin talaga nag babago, bigla bigla ka nalang nag paparamdam na parang multo dyan." Biro ni Nikko kay Steven, oo nandito na si Steven pero nag bago lang yung style ng buhok nya pero gwapo pa rin naman ang pusa ko.

"STEVEN!" Sabay na sigaw namin ni Jillian, nag paunahan kaming lumapit kay Steven pero nauna syang yumakap kay Steven kaya nakatingin lang ako kay Jillian habang yakap yakap nya si Steven..

Nakita ko pang napangiti si Steven at yinakap din pabalik si Jillian.

Nag seselos ako. -,-

Dapat kay Tristan nalang ako eh.

Inis na tinulak ko si Jillian para matanggal ang pag kakayakap nya kay Steven. Nag wagi naman ako kaya napangiti ako at niyakap na si Steven pero agad nya din akong tinulak ng malakas kaya napabitaw ako sa yakap sa kanya at niyakap nya naman si Jillian.

Argh! Nakakainis na!

Tumingin saakin si Steven at ngumisi sya, tinignan ko sya ng masama at parang sinasabi ng mga tingin ko na -suyuin-mo-ko-mamaya-look.

Sana naman maintindihan nya yung tingin ko sa kanya, inirapan nya lang ako at pinatong na ang baba nya sa balikat ni Jillian habang nakangiti pa syang nakayakap sa kapatid ko.

Padabog akong bumalik sa upuan ko at lumapit kay Julia sabay yakap sa kanya ng mahigpit kaya nagulat sya nun. Ng maramdaman ko na hindi nya ako tinulak napangiti ako at nilagay ko ang baba ko sa balikat nya ng bigla...

"ARAY!" Daing ko pa si Stephen na tumili kasi nahulog nalang ako bigla sa sahig.

Wala man lang tumulong saakin, buti hindi ako nahulog kay Steven.

Tumayo ako at tinignan ko ng masama si Julia pero ginaya nya lang din ako kaya ako na ang bumitaw sa mga masasama naming mga tingin.

Mas nakakatakot kasi si Julia eh.

"Yow~! Saan ka nag galing, Steven?" Pasigaw na tanong ni Hanz kay Steven at sabay yakap nito ng makalapit sya kay Steven ko :-(

Na-iingit na naman ako. Mukhang may matutulog sa sala ngayon ah.

"Saan ako nang-galing? Dyan lang sa malayo, nag try akong mag move-on pero hindi ko pala kaya na mag move-on ako kay Jillian kahit malapit na syang ikasal." Aniya ni Steven habang yakap yakap pa din sya ni Jillian. Grabe 'tong si Jillian ah, kanina pa sya nakayakap kay Steven eh. Gustong gusto din naman ni Steven, kainis silang dalawa. E'di mag sama silang dalawa, kainis.

Love Triangle [COMPLETED] Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum