CHAPTER 18: EX-BOYFRIEND

84 13 3
                                    

Nag taasan kaagad ang mga balahibo ko ng marinig ko ang boses nya. Yung boses nya na ang sexy sexy at sobrang lambing. Naging estatwa nalang ako dito at gulat na gulat sa pangyayari ngayon. Yakap yakap nya pa din ako ng sobrang higpit na parang ayaw nya akong pakawalan pero... Anong ginagawa nya dito?! Bakit ba sya nandito? May binabalak nanaman ba sya kaya sya nandito? Or baka gusto nyang kunin ang gusto nya. Nakakainis! Naguguluhan ako.

Unting unti syang kumalas sa kakayakap saakin at pumunta sa harap ko. Nanlaki ang mata ko. Tama nga ako. Anong ginagawa nga dito? Sinusundan nya ba ako?

"Long time no see, My Baby." Parang gusto ko syang sampalin sa mukha dahil sa pag tawag nya saakin ng 'My Baby'. Bakit ba sya nandito? Para kunin nya ako ulit? Tsk.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong sa kanya. Bigla naman syang nag sad face.

"Hindi moko na-miss?" Tanong nya saakin pero hindi ako sumagot. Bakit ko ba sya mamimiss? Sa lahat ng ginawa nya saakin. "Alam mo kasi, My Baby. Gusto ko kasi kunin yung gusto ko kunin. Alam ko naman na alam mo naman yun diba? Pag hindi ko nakuha ang saakin...." Natigilan sya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Kinakabahan ako ngayon. Ano ba ang kukunin nya?

"Basta, kukunin ko pa din ang nararapat saakin." Sabi nito kaya nag taasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil bigla syang ngumisi. Umayos naman ako ng tayo at hinarap sya.

"Ano bang gusto mong kunin ha?" Iritadong tanong ko sa kanya. Lumawak nalang bigla ang ngiti nya. Wag mong sabihin....

"Ikaw, ikaw ang gusto kong kunin. Kung ayaw mong bumalik saakin. Babalik ka pa din, wala ka ng choice." Sabi na nga ba, ako ang gusto nyang kunin pero hindi na ako babalik dahil sa ginawa nya nung gabing iyon.

"Hinding hindi na ako babalik sayo Sean. Baka nakakalimutan mo yung gabing yun?" Tanong ko sa kanya. Bigla nalang tumahimik kaming dalawa. Siguro iniisip nya yung gabing iyon.

"Wag mong sabihin na nakalimutan mo?"

"Past is past, Jillian." Anong past is past. Kahit na nakakairita talaga itong lalaking 'to.

"So, nakalimutan mo na yun?" Sarkastikong tanong ko sa kanya at nag cross arms.

"Oo, kaya nga binabalikan na kita eh." Sabi nya, tumaas kaagad ang dalawa kong kilay na parang aabot na sa mars sa taas nito.

"Akala mo ba babalik ako sayo?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Para naman maasar sya, kasi kung naasar sya. Matutuwa ako hahah.

"Kung wala ka nang sasabihin... Aalis na ako." Umalis na ako pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ay narinig ko na nag salita sya.

"Kukunin kita, Jillian. Sa ayaw at sa gusto mo. Kukunin pa din kita." Nakatalikod lang ako sa kanya habang sinasabi nya yun. Ayaw nya kasing hindi nakukuha ang gusto nya. Gusto nya yung nakukuha yung gusto nya. Tsk! Hindi pa rin talaga nag babago ang lalaking 'yon!. Nag lakad nalang ako papunta sa parking lot.

Sya si Sean Martinez. Sya yung lalaking minahal ko at minahal din ako. Matagal na kami pero nung gabi nung nakita ko sya sa park na lagi namin pinupuntahan at doon din kami nag kakilala. Parang dinurog ang puso ko nung nakita ko sila kasama ang first love nyang si Irish. Ang sabi nya pa nga nun.

Kahit hindi ikaw ang first love ko, ikaw naman ang last ko.

Sinabi nya saakin nun pero hindi ako naniwala nun.

Flashback

Kanina ko pa hinihintay ang boyfriend ko. Nakakainis na, sabi nya kasi saakin na pupunta sya dito sa canteen para kumain kami ng sabay pero hindi. Hindi ko tuloy nakasama sila Julia sa tambayan namin. Nakakainis talaga yung lalaking yun, lagi nalang ako pinapaasa.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now