CHAPTER 25: WOW!

70 9 5
                                    

JULIA's POV

Natulala kami sa ginawa ni Jillian. Grabe, ang lakas nya pa din talaga. Nagiging dragon yan pag nagagalit or naiinis, hindi nya makontrol ang sarili nya kaya ayan napakita nya tuloy sa lahat ng mga estudyante dito. Alam nyo ba kung bakit kami malakas? Sikat kasi kami na gangster dati pero tinigil na namin iyon dahil lumipat kami dito sa Lee University. Gusto kasi namin na makasama si Jillian... Ilang taon na din hindi pa rin sya nag babago, nag bubuga pa rin ng apoy.

Tinignan namin yung dalawang babae na naka higa pa din sa sahig. Natakot siguro sila kay Jillian, dragon kasi yun. Lumapit kami sa dalawa at umupo para mapantayan sila.

"Ano? Hihiga nalang ba kayo dyan?" Tanong ko, gagi loko talaga yun si Jillian. Nanginginig tuloy 'tong dalawang 'to. Eh? Pake ko ba, madami silang kasalanan kay Jillian dapat lang sa kanila yan.

"Kailangan nyong nilisan yung kinalat nyo." Rinig kong sabi ni Lily, nakatayo kasi silang dalawa. Ako naman nakaupo para mapantayan 'tong dalawang 'to. Tinignan ko ang babae, grabe namumula ang pisnge. Napangisi tuloy ako sa ginawa ni Jillian, kahit kelan talaga yung babaeng yun hindi talaga makontrol ang sarili.

Tumayo ako at tinignan yung dalawang babae, pero hindi pa rin nawawala ang ngisi ko sa labi. Gusto kong tumawa pero baka isipin nilang baliw ako.

"Dali! Linis na!" Sigaw ni Roxy, nagulat tuloy ako sa babaeng 'to. Bigla bigla nalang kasi sisigaw nakakainis. Tumayo ang dalawa at tinanggal ang poster na nakakabit dito sa canteen. Grabe nag sasayang lang sila ng paper or what dahil dyan sa pinag gagawa nilang poster. Ba't ba kasi galit na galit sila saamin? Narinig ko din kasi yun sa CR nung nag CR kami ni Jillian.

Nakatayo lang kaming tatlo dito habang tinitignan ang dalawang babae na nag tatanggal ng poster. Ang dami kaya ng nilagay nila at tsaka kalat din nila yun kaya sila na mag linis ng mga yan. Tinignan ko ang mamahalin kong relo, muntik na akong mahulog sa kinatatayuan ko kasi 12:25 na. Gash! Kailangan na namin pumunta sa classroom!

"Hoy! 12:25 na!" Sigaw ko sa dalawa, natauhan naman sila sa sinabi ko at tumingin din sila sa mga relo nila at nanlaki ang mata.

"Gagi! Tara na." Natataranta na sabi ni Roxy. Nakakatakot kasi yung prof namin na yun, yun kasi yung namamalo sa pwet pag nalate ka sa klase nya.

"Hoy! Ipag-patuloy nyo lang yan, kung hindi malalagot kayo saakin." Turo ni Lily sa dalawang babae na nag lilinis. Pero hindi lang sila sumagot kaya nairita si Lily. Mag sasalita pa sana sya pero inunahan ko na.

"Kayong dalawa!" Sigaw ko kaya napatingin sila saakin. "Pag hindi pa yan natatanggal, malalagot kayo saamin. May mga nakatingin lang sainyo na hindi nyo nakikita kaya mag ingat kayo at pinagpatuloy lang yan." Sabi ko sa dalawa pero hindi sila sumagot nakatingin lang sila saakin. Ano?! Wala silang bibig ganun?

"Sagot!!" Hala! Nahawa na ako kay Jillian, nagiging dragon na din ata ako. Natauhan naman ang dalawa, nakakainis kasi nakatingin lang kasi saamin. Baka nagagandahan sa mukha ko?

"O-opo." Sabay na sabi nila, tumango nalang ako at tumakbo na palabas ng canteen. Inunahan ko na yung dalawa na nakatunganga lang dun.

STEVEN's POV

Ano bayan? Bakit ako? Natutulog ako otor!

Nandito ako sa classroom natutulog, wala pa kasi yung prof namin at yung katabi ko. Dapat kasi nandito na yung mga yun, hindi kasi ako bumaba dahil nag baon ako ng niluto ni Jillian kaninang umaga. Ang sarap kaya, tikman nyo.

*bugshhhh*

[A/N : Tunog po yan ng pinto dahil sinipa😅]

Nagulat ako dahil sa pag bukas ng pinto. Takte! Natutulog yung gwapong nilalang dito sa classroom. Inis na tinignan ko yun at sila Julia, Lily at Roxy lang pala at pawis na pawis sila. Parang nakipag away nanaman 'tong tatlong 'to. Pero bakit wala si Jillian? Diba dapat kasama nila yun at alam ko hindi sila nag hihiwalay pero ba't wala ang bebe ko?

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now