CHAPTER 30: SHOCKED

73 12 6
                                    

JILLIAN's POV

Nandito lang ako sa kwarto ni Tristan habang binabantayan sya. Ayaw nya kasi akong palabasin ng kwarto nya kasi gusto nyang nasa tabi lang nya ako. Ngayon ay nakahiga sya at kumot na kumot nanaman, nilalamig kasi sya kahit nakapatay naman yung aircon nya pero naka-electric fan naman kami na umiikot.

Buti naman kumain na ako kanina nung matapos akong mag luto ng soup kung hindi baka nagugutom na ako ngayon tapos ayaw pa mag palabas itong si Tristan. Para nga syang bata na may sakit eh, ang cute nya kasi.

"Jillian..." Rinig kong bulong ni Tristan sa sarili nya na nakapikit at parang nananaginip at pawis na pawis.

"Jillian..." Mahina nyang tugon habang yung ulo nya ay kaliwa't kanan sa kulit ng ulo nya at parang nananaginip nga. "Wag mokong iwan." Bulong nya, nakita ko ang gilid ng mata nya na may luhang tumutulo pababa.

Kaya wala na akong nagawa at gisingin nalang sya kasi ngayon ko lang syang nakitang umiiyak at sa harap ko pa habang sya ay nananaginip at mukhang hindi maganda ang panaginip nya.

"Tristan, gising." Kalmado ko syang niyuyugyog at tinapik ang pisnge nya. Dahan dahan naman nyang binuksan ang mga mata nya at nag tama kaagad ang mata nya sa mata ko.

"Jillian." Sabi nya ng mahina at nakita ko nalang na tumulo ang luha nya kahit madilim, nakikita ko pa din dahil sa lampshade na katabi ng higaan nya.

Nagulat ako sa ginawa nya ng yakapin nya ako at naramdaman ko naman na basa na ang balikat ko. Napakagat ako sa labi para pigilan din maiyak. Ngayon ko lang kasi nakita na umiyak sya ng ganto sa hindi ko naman alam na dahilan. Tinapik tapik ko yung likod nya habang umiiyak pa rin sya sa balikat ko.

"Shh... Tama na, Tristan." Pag papatahan ko sa kanya habang tinatapik ang likod nya. Hinayaan ko nalang syang umiyak sa balikat ko ng kumalma na sya kaya kumalas na ako ng yakap at tinignan sya.

Pag tingin ko sa mukha sya ay ang daming luha na tumulo sa pisnge nya kaya hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ko naman yung mga luha nya at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Ano ba yang panaginip mo, ha?" Tanong ko sa kanya habang yung dalawa kong kamay ay nasa mukha nya. Napatahimik naman kaming dalawa ng isang segundo ng bigla nalang syang umiyak at agad ko naman pinunasan yun.

"K-kasi..." Pabitin nya, tumingin muna sya saakin kung sasabihin nya ba or hindi pero mas maganda kung sasabihin nya para hindi mabigat sa dibdib yung tinatago lang.

"Go." Utos ko sa kanya. Tinanggal ko naman yung dalawa kong kamay na nakahawak sa mukha nya, narinig ko naman na huminga sya ng malalim at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Kasi, iiwan mo daw ako kaya ako naiyak. Iniwan nyo ako ni Steve-hyung sa gitna ng ulan habang tinitignan ko kayo ni Steve na nag lalakad palayo at hinayaan nyo nalang ako na basang basa na sa ulan." Pag kwento nito saakin at bigla nalang ulit syang umiyak kaya napangiti ako at pinunasan ko ulit ang luha nya.

"Panaginip lang yun, Tristan.... Hinding hindi kita iiwan dahil kaibigan kita at kaibigan ka namin." Sabi ko habang nakangiti para gumaan naman pakiramdam nya. Nakita ko naman na ngumiti sya at niyakap ulit ako.

"Promise mo yan, ha?." Tanong nya at mukhang sayang saya pa sya tumango nalang ako at kumalas na sya sa yakap.

"Nagugutom kaba?" Tanong ko sa kanya, kinapa ko naman yung leeg nya at noo. Ganun pa rin ang init pa rin nya.

Tumango sya habang nakapout pa saakin. Kinurot ko naman ang pisnge nya dahil ang cute nyang tignan para kasi syang hipuputamos? Hahahahaha.

"Ok, antayin mo lang ako dito at kukuha lang ako ng sandwich sa baba." Sabi ko, tumango naman sya habang nakangiti at nahiga na ulit. Inayos ko ang kumot nya at hinalikan sa noo at sinabing...

Love Triangle [COMPLETED] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt