CHAPTER 47: MEET

38 10 3
                                    


JIMMY's POV

Nagising ako ng may tumama na sinag ng araw sa mukha ko kaya bumangon kaagad ako, pumunta na ako sa banyo ko para mag-hilamos ng gwapo kong mukha. Pag katapos nun ay lumabas na ako at tsaka pumunta sa kwarto ni Jillian, gusto ko kasi ng kayakap. Lagi naman akong pumupunta sa kwarto nya tuwing umaga pero minsan lang kasi sya yung nauunang magising saakin at tsaka alam ko naman na napagod sya kagahapon eh, alam ko naman na madaling mapagod ang kapatid kong yun.

Pag dating ko sa harap ng kwarto nya ay binuksan ko kaagad iyon at tsaka pumasok na sa kwarto nya. Nakapikit lang ako habang papunta sa kama nya, pag kabaksan ko ay parang wala akong katabi kaya napadilat ako at wala nga si Jillian sa kama nya kaya tumayo ako at pumunta sa banyo nya.

Syempre kumatok muna ako.

"Jillian." Malambing natawag ko sa loob ng banyo nya habang kinakatok ang pinto. Ilang segundo pa wala pa din nag sasalita kaya dinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kung may tao ba dito or wala.

--_--

Ok wala sya dito kaya binuksan ko ang pinto ng banyo at wala ngang tao kaya bigla akong kinabahan.

Alam kong umuwi sya kagabi eh

Hinatid pa nga ni Tristan si Jillian kagabi

Imposible naman na--

Ahhh, baka nandun sya kay Johnny. Kasi baka hindi makatulog kagabi si Jillian kaya lumapit nalang sya kay Johnny at si John ang nag patulog kay Jillian kagabi habang kinakantahan pa nito. Nakangiti akong lumabas ng kwarto ni Jillian at pumunta sa kwarto ni John, walang katok katok pumasok kaagad ako ng kwarto ni John. Pag bukas ko ay nakahiga lang dun si John habang walang damit at yakap yakap pa yung unan nya. Dumiretso ako sa kanya at tsaka sya ginising.

"Oy, John! Gising.." Pag gigising ko sa kanya habang niyuyogyog sya.

"Hmm, five minutes more." Aniya habang nakapikit pa at tsaka sabay talukbong sa kumot nya.

"Nawawala si Jillian." Sabi ko sa kanya kaya bigla syang bumangon sabay takbo palabas ng kwarto nya kaya natawa ako ng palihim at tsaka bumalik sa pag ka-seryoso.

Sumunod na ako kay John at pumunta kagad sa kusina kasi doon kaagad ang diretso ni Jillian kaya baka nandoon lang sya. Pag kapasok namin ni John ay ang mga maid lang ang nag luluto at tsaka nakita ko si Manang Sum na nag luluto din kaya lumapit kaming dalawa ni John dun.

"Nay Sum! Good morning." Sabi ko, nag bowed lang si John habang hingal na hingal pa.

"Oh? John, Jim. Bakit?" Tanong nya saakin, hindi uso sa kanya yung bati eh 'nu.

"Nakita nyo po ba si Jillian?" Tanong ko kaagad, tumingin lang sya saamin saglit at pinag patuloy na ang ginagawa nya...

"Hindi, 'di pa naman sya bumababa. Bakit?" Sabi nya umiling nalang ako at nag paalam na aalis na.

Pag nalaman nya kasing nawawala si Jillian, sasabihin nya kagad kay Mommy at lalong lalo na kay Daddy na sobrang maalalahanin kay Jillian.

Umakyat ulit kami at pumunta sa lahat ng kwarto, wala din sya sa game room namin at tsaka sa living room na din wala sya doon. At tsaka sa room ng tatlo wala din sya doon at hinuli na talaga namin yung room nila Tristan dito, dumiretso kami doon at ako na ang nag bukas nun.

0___0

Nagulat ako sa nakita ko, hindi ko alam kung maiinis ba ako or magagalit sa nakita ko eh.

Pano ba naman kasi mag katabi sila Jillian at Steven sa iisang kama at nakayakap pa si Jillian kay Steven at ganun din naman si Steven. At tsaka wala naman kagabi dito si Steven hindi ba? Hindi nga sya nag text saakin kung pupunta ba sya or hindi.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now