CHAPTER 61: KATOTOHANAN NILA ROXY AT STEPHEN

62 7 4
                                    

JILLIAN's POV

"Baka naman nag j-joke lang si Tita?" Takang tanong ni Lily.

Hindi pa namin sinasabi sa iba yung tungkol dito sa kasal ko, sila Kuya John at Lily pa lang ang nakakaalam.

Nandito kami sa living room, wala namang tao dito kaya dito nalang namin pinag usapan tungkol sa kasal.

Kanina ko pa paulit ulit na binabasa itong sulat at parang hindi pa nakakapag sink in sa utak ko kung totoo ba itong sinasabi ni Mommy, o baka nananaginip lang ako.

Tumingin ako kay Lily at Kuya John na nag uusap sa harap ko.

"Lily." Agad naman syang tumingin saakin ng tawagin ko sya.

"Bakit?" Tumayo ako at lumapit sa kanya.

Nag taka naman si Lily kaya tinignan nya muna si Kuya John na parang sinasabi na kung ano ba problema ko pero nakita ko naman na nagkibit balikat nalang si Kuya John.

"Sampalin mo nga ako, Lily. Kung totoo ba itong sinasabi ni Mommy sa sulat." Matapang na sabi ko kay Lily, nagulat pa silang pareho nun kaya napatayo na si Lily pati na din si Kuya John.

"Ano bang pinag sasabi mo dyan, Jillian?" Inis na tanong ni Kuya John.

"Oo nga. At tsaka, bakit kita sasampalin kung totoo naman itong sinasabi ni Tita sa sulat na pinadala sayo?" Tanong din nya pero hindi pa rin talaga ako naniniwala kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinabunutan ang aking buhok.

Argh! Parang hindi kasi totoo yang sinasabi sa sulat pero sulat kamay naman iyan ni Mommy eh.

"Please lang, Lily! Gawin mo nalang!" Sigaw ko sa kanya.

Bumugtong hininga nalang sya at naupo nalang ulit.

"Sorry, Jillian. Alam mo naman na hindi ko kayang gawin yang pinapagawa mo eh." Napatalikod ako sa inis, ang dami nyang sinasabi pwede nalang gawin yung pinapagawa ko.

Sasampalin lang naman ako eh, para naman magising ako pero alam ko naman na gising na gising ako noh.

Alam ko naman na mabait si Lily pero gusto ko talaga mag pasampal ngayon, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganto. Dahil kasi dyan sa kasalan na yan eh.

"Alam mo Jillian, hindi yan makakatulong eh." Sabi bigla ni Kuya John, nakita kong tumango pa si Lily sa sinabi ni Kuya John.

"Aish! Hindi nyo kasi ako maintindihan eh!" Sigaw ko sa kanila.

Napatahimik kami ng saglit at iniisip ko pa din yun kaso hindi ko pa rin talaga maintindihan eh huhu. Kailangan ko talaga mag pasampal kay Lily para magising ako kung totoo ba yung sinasabi ni Mommy sa sulat.

Napatingin ulit ako kay Lily.

May naisip ako... Kung asarin ko nalang kaya at awayin ko si Lily..

Ahm..

Napangiti ako ng palihim sa naisip ko kaya pag harap ko sa dalawa tinago ko na yung ngiti ko.

"Kuya John!" Sigaw ko kay Kuya John at tinignan nya ako na may pagkatataka sa mukha.

"Bakit?"

"Alam mo ba si Lily?! May gusto sya kay Hanz!!!" Sigaw ko na nakapikit pa ng bigla ako nakaramdam ng sakit sa kabila kong pisnge.

Aray... Masakit...

Sinampal naba ako ni Lily?

Ouch hindi pala ako nananaginip... Ang sakit ng sampal nya huhuhuh

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now