CHAPTER 9: LAGOT | INLOVE

85 13 15
                                    

JILLIAN's POV~

"What's happening here?"

Lumingon ako mula sa pinto ng canteen at nakita ko doon si nikko at stephen na nag lalakad papunta saamin. Tinignan nya muna ako at bigla nanlaki ang mata nya at diretsong pumunta saakin at hinawakang ang pisnge ko gamit ang dalawa nyang kamay. Tinignan ko lang sya sa mata na chinicheck ang mukha ko, ng natigilan sya ng makita nya yung sugat ko sa gilid ng labi ay tumingin sya sa mata ko.

"Sinong gumawa nito sayo?" Tanong nya saakin ni kuya nikko pero hindi ako umimik. Tinanggal nya yung dalawa nyang kamay na nakahawak sa pisnge ko at tinignan sila steven.

Lumapit saakin si stephen kaya nginitian ko lang sya.

"Steven?! Baliw kaba?!" Sigaw nya kay steven na ngayon ay nakayuko, katabi nya si tristan. Tinignan ko si krisha na ngayon ay nakahiga sa sahig at walang balak ang mga tao dito na tulungan sya. Baka nag dra-drama?

"At sinuntok mo ang babae?!" Nanlaki ang mata ko kasi biglang sumigaw pabalik si steven.

"WALA AKONG PAKE! SYA LANG NAMAN KASI ANG GUMAWA KAY JILLIAN YAN KAYA NAG KAPASA SYA AT NAG SUSUGAT ANG GILID NG LABI NYA!!" Sigaw nya pabalik kay nikko. Ilang sigundo na hindi umimik si nikko dahil sa sigaw ni steven.

Feeling ko nausog yung gutom ko. :'<

"Jillian!"

"Stella ko!"

Nako! Lagot! Nandito na yung dalawang kapatid ko. Malalagot ako nito dahil makikita nila na may pasa ako sa katawan.

Nilingunan ko sila at ngumiti ng mapait

Ng makalapit sila ay niyakap kaagad ako ni kuya jim. Pero si kuya john tinignan lang ang buo kong katawan. Hayts, syempre halata na.

"Jillian, ang dami mong pasa at sugat!" Sigaw saakin ni kuya john kaya kumalas na si kuya jim sa yakap.

Ng tinignan ako ni kuya jim sa mukha ay nanlaki ang mata nya dahil sa dumudugo sa gilid ko sa labi ko.

"M-may nag suntok s-sayo?" Tanong nya saakin kaya napanguso ako at dahan dahan na tumango.

Pinunasan ni kuya jim ang dugo na lumalabas sa labi ko gamit ang hinlalaki nya.

"SINO?!" Sigaw ni kuya john kaya natigilan si kuya jim.

"Y-yung... Plastic surgery queen." Sabi ko sa kanila, biglang natawa si kuya jim pero agad din syang tumigil.

"Tinutukoy nya si, krisha." Sabi ni tristan.

Tinignan ko si kuya john na lumalapit sa babae na ngayon ay nakatayo na pala.

Mag sasalita na sana si kuya john pero inunahan ko sya.

"Oh? Nakatayo kana pala? Akala ko patay kana, nakahanda na kasi yung kabao mo sa labas." Sabi ko kay krisha kaya napalingon sila tristan,kuya john,nikko at steven pero nag kibit balikat lang ako.

"Bat mo ginawa yun?" Tanong ni kuya john kay krisha pero nakayuko lang ito at kagat kagat din ang pang ibabang labi.

"TINATANONG KITA?!" Sigaw ni kuya john kaya napapikit ako ng mariin.

"Kung ayaw mo, sa office ka nalang mag salita, nikko." Sinenyasan ni kuya john si nikko kaya tumango nalang ito at nag lakad na si kuya john at hinila ako.

"Kayong tatlo, sumama din kayo." Dinig kong sabi ni nikko. Siguro sila roxy yun.

_____

Nandito na kaming lahat sa office ni kuya nikko. Nakaupo si nikko sa harap namin habang ang kaharap ko naman si krisha na nakayuko at nakaupo din. Nasa likod ko yung tatlo na nakayuko din ata.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now