CHAPTER 11: MISSING

82 12 4
                                    

JILLIAN's POV~

Kanina pa kami nakauwi pati nadin sila julia at lily. Hindi ko lang alam kong umuwi naba si roxy. Parang may mali talaga ngayong gabi, hindi ko alam pero parang may mali... Malakas talaga pakiramdam ko ngayon halos umabas na yung puso ko sa kakatibok nito ng mabilis. Kinakabahan din ako pero hindi ko alam kung saan.

Hayts, baka pagod lang to.

Napabuntong hininga nalang ako at bumagsak kaagad sa higaan at tumingin sa kisame. Nakakapagod naman tong araw na 'to, laging pagod.

Kung papupuntahin ko kaya yung mga girls dito at mag laro ulit kami ng video games namin. Napaupo ako sa higaan ko at akmang tatayo na sana kaso may natandaan nanaman ako.

May assignment pala ako ngayon.

Humiga ulit ako sa higaan ko at napabuntong hininga ulit. Kaya bumangon nalang ako para gawin ko yung mga ass. ko.

----

Ng matapos ko na ay bumagsak ulit ako sa higaan pero may biglang kumatok sa pinto kaya tumayo ako at lumapit doon para buksan.

"Ano?" Walang gana kong sabi kay kuya jim.

"Anong ano ka dyan, kakain na." Sabi nito saakin at bumaba umalis na sa kwarto ko.

Sinarado ko na ang kwarto ko at bumaba nadin.

Pag katapos kong kumain at gawin lahat ng ginagawa ko pag gabi ay natulog na ako.

{ KINABUKASAN }

Maaga akong ginising ni kuya jim kasi nakahain na daw sa baba ang pag kain. Kaya bumaba ako kahit antok na antok na ako. Sa baba nalang ako nag himalos kasi may CR sa tabi ng kitchen dun. Pag katapos ko ay pumunta na ako sa dining room. At umupo na dun

"Kuya nag sorry kana ba kay roxy?" Pag babasag ko ng katahimikan. Tumingin saakin si kuya jim pero saglitan lang iyon at pinag-patuloy na ang kinakain.

"Hindi." Tipid nyang sagot saakin at uminom ng tubig.

Napataray nalang ako sa kanya at pinag patuloy nalang ang kinakain ko.

Sya kasi may kasalanan, kung hindi lang talaga sinumbong ni kuya jim si roxy. Nakakainis... Tapos hindi manlang nag sorry?! Aba!? Mali ata yun. Pero...... Kung hindi lang kumain si roxy... Tapos... Hindi sya mahuhuli ni kuya jim na kumakain si roxy edi walang gantong gulo. Hayts.

Matapos kong kumain ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko para maligo. Kumakanta nanaman ako sa cr neto habang kinukuskus ko ng mabuti yung buhok ko. Tapos yung shower naka bukas pa na nakatapat sa katawan ko. Pag nalaman nila kuya na malaki ang bills namin sa tubig... Panigurado ako ang sisisihin nila. Eh!? Ano ba magagawa nila eh ang sarap ng tubig sa katawan nakakatanggal ng stress.

Pagkatapos kong kumanta at naligo ay lumabas na ako sa banyo at kinuha ko ang uniform ko sa higaan. Wag kayong ano dyan baka towel yung pang ibaba ko at may towel din sa buhok ko. Nakahanda na kasi lahat ng mga susuotin ko... Nasa kama na nilagay ko lang kanina bago ako maligo.

---

[Skip]

Nasa school na kami kanina pa pero kaming tatlo nasa gate ng school, hinihintay namin si roxy na pumasok. Ewan ko na dun bat mga gantong oras na sya pumapasok. Halos mas maaga pa nga yun pumasok kesa saamin eh, tapos ako lagi ang nahuhuli sa pag pasok at pag dating ko nalang dito silang tatlo na ang bubungad saakin pero dalawa lang pala sila.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now