CHAPTER 50: SABIHAN NG FEELINGS

57 10 12
                                    

STEVEN's POV

Pag labas ko ng canteen, doon na tumulo ang mga luha ko pero agad ko dun iyon pinunasan. Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila Jimmy, gusto kong malaman at marinig tungkol talaga kay Jillian. Hinanap ko sya sa buong campus at alam ko na kung nasaan sya ngayon.

Nasa library..

Tumakbo kagad ako papunta sa library. Ng matanaw ko na ang library, parang kinabahan ako bigla para kasing may hindi maganda pag tinuloy ko na, parang... Parang may mang-yayari saakin na ewan pag nilapitan ko na sya.

Sana naman hindi talaga sya ikakasal...

Huminga muna ako ng malalim at tsaka dahan dahan na pumasok sa library, nakita kaagad ng mga mata ko si Jillian na nasa isang sulok habang nag babasa ng libro na hawak nya. Lumapit agad ako kay Jillian at umupo sa harap nya, tumingin lang sya saakin at hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip nya kasi blangko lang ang tingin nya saakin.

Kinabahan tuloy ako bigla...

"J-jillian." Sh*t first time kong umutal ngayon, ganto ba pag kinakabahan?

Tumingin lang sya ng saglit saakin at binaling na ang atensyon sa binabasa nya.

"Totoo bang mag papakasal ka?" Diretsohan na tanong ko sa kanya, napansin ko naman na natigilan sya sa tanong ko at dahan dahan syang tumingala saakin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Nakatingin lang sya sa mga mata ko at hindi makapag salita. So? Totoo ngang mag papakasal sya? Pero pano naman yung mang-liligaw nya, pano naman ako diba?

Umiwas ng tingin saakin si Jillian tsaka biglang tumulo ang luha nya sabay yuko nito, agad din naman nyang pinunasan yung mga luhang kumakawala sa mga mata nya.

"Oo." Pag kasabi nya yun ay parang tumigil ang mundo ko ng marinig ko ngang mag papakasal na sya. Bakit naman sya pumayag sa desisyon ng daddy nya? At bakit pinili nilang pakasalin si Jillian sa taong hindi nya naman mahal?

Naramdaman ko naman na mainit ang pisnge ko at alam ko ang mga luha ko yun, nakatulala pa rin ako at parang unting unti nadudurog ang puso ko sa nalaman ko at sa kanya ko din nalaman ang totoo.

"I'm sorry, Steven. Hindi ko magawang pigilan si Dad kasi hindi naman ako sumusuway sa mga utos nya kasi mahal ko ang dad ko... Hindi ko din naman gustong mag pakasal sa anak ni Mr. Kim pero sya kasi ang tutulong sa kompanya namin kaya pumayag nalang ako para sa kompanya..... Sorry talaga, Steven. Ngayon sasabihin ko na din ang nararamdaman ko sayo kasi alam ko sa susunod na mag papakasal na ako. " Mahabang sabi nya saakin, nakatitig lang ako sa kanya habang hindi pa din tumitigil yung mga luha ko kakapatak sa  pisnge ko. At tsaka, ano daw yung sinabi nya? Sasabihin nya na daw yung nararamdaman nya?.

Naramdaman ko naman na huminga ng malalim si Jillian at tsaka tumingin ng diretso saakin at mukha syang seryoso ngayon. Kinabahan tuloy ako bigla...

"Steven, gusto din kita pero pareho ko kayong gusto ni Tristan kaya nga lang hindi ko alam kung sino ba talaga ang pipiliin ko sainyong dalawa kasi mahal ko kayong pareho... Pag pasensyahan mo na kasi ngayon ko lang sinabi sayo ang lahat, natatandaan mo pa ba sa canteen na kumakain ka ng mag isa? Crush na kita nun kaya lumapit ako sayo, doon nalang kasi ang may bakanting upuan kaya doon ko nalang naisipan na umupo. Nung una nahihiya pa ako kasi alam mo naman na crush kita... " Kwento nya pa ulit saakin, bakit ngayon nya lang sinabi kung kelan mag papakasal na sya?! Bakit ba ayaw kaming pag tagpuin ng tadhana?!

"Bakit ngayon pa?" Cold na tanong ko sa kanya kaya nag taka sya sa tanong ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi na may crush ka pala saakin? E'di sana matagal na tayo ngayon." Sabi ko sa kanya habang nakatingin lang sa mga mata nya.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now