CHAPTER 33: BASKETBALL

59 14 2
                                    

JULIA's POV

"Seriously?!" Sigaw naming tatlo.

"Oo nga, wag kayong maingay sa mga boys ah." Mahinang sabi ni Jillian.

Kweninto nya kasi yung nang-yari sa kanila ni Tristan kagabi nung date nila. Gusto kasi namin malaman kaya ayun nakulitan sya kila Roxy at Lily na sabihin. Pero nung sinabi nya lahat yun ay nagulat kami.... Si Tristan lang pala yung Secret Admirer ni Jillian eh, nung Lunch Box? Si Tristan pala nag bigay nang mga yun. Basta ang dami nyang sinabi saamin. Hindi nga kami makapaniwala nung una pero buti naman pinaliwanag nya talaga ng mabuti kaya naniwala naman kami.

Nandito kasi kami sa tahimik na garden nila Jillian. Mga tanghali na din kaya tapos na kami mag tanghalian, wag kayo dyan, bago ako umalis ay kumain muna ako hindi katulad ni Roxy na dito sya kumain ng tanghalian.

"Eh, pano naman si Steven?" Tanong bigla ni Lily. Bigla naman kumunot ang noo namin dahil sa sinabi nya.

Ano naman kinalaman ni Steven dito?

"Kasi diba---" Napatigil sa pag sasalita si Lily ng bigla kaming dinumihan ni Jisy na nag huhukay ng lupa at nakatapat pa saamin.

Ang bad nya :-(

"Jisy!" Sigaw bigla ni Jillian kay Jisy pero hindi pa rin tumitigil sa pag huhukay si Jisy kaya tumayo kami dahil nadumihan kami ni Jisy kasi nag huhukay pa rin sya ng buhangin.

"I said stop that, Jisy." Mariin na sabi ni Jillian at binuhat nya ang matangkad nyang aso. Grabe kasi ang laki ni Jisy eh pero yung amo naman nya ang liit. Hahaha

"Arwf!" Tahol ni Jisy na gustong bumaba sa amo nya kaya binaba na ni Jillian si Jisy.

"Tara na, ang init na dito eh." Sabi ko, ang init kaya tapos tirik na tirik yung araw baka kasi lalong umitim ako eh.

Pumasok na kami sa loob ng mansyon at pumunta sa sala. Nadatnanan namin yung mga boys na nag lalaro nanaman ng mga PSP at yung iba puro cellphone at yung card na UNO na nilaro namin apat. Saamin yun eh. -___-

"Grabe, bakasyon na pala 'nu?" Tanong bigla ni Roxy na init na init sa katawan nya. Bakasyon na nga at sobrang init pa.

"Gusto ko mag beach." Sabi ni Jillian na nakahiga sa sofa habang yakap yakap yung unan ng sofa.

"Bitch?" Nagulat naman ako ng bigla sumulpot si Tristan sa usapan namin.

"Bobo, Beach daw yun." Singit naman ni Jimmy sa usapan.

"Bitch?!" Sigaw at mariin na sabi ni Tristan.

"Oo, sasama ka? Mag bi-beach kami." Sabi ni Jillian na nakaupo na pala sa sofa.

"Mag bi-bitch kayo? Tsk, ayoko sa mga pokpok." Sabi ni Tristan kaya natawa kaming lahat sa sinabi nya. Ang engot naman pala ni Tristan eh. hahahah.

Lahat ng anim ay binatukan si Tristan kaya kawawa si Tristan. Bitch daw kasi yung sinabi imbes na Beach?

"Sige, kelan?" Tanong ni Nikko.

"Sabado?" Paniniguro ni Roxy.

"Saan naman?" Tanong ni Stephen na nag lalaro nananan ng mario nya. Aba syempre, adik yan sa mario eh.

"BASTA! ang daming tanong eh." Iritado kong sabi. Nakakairita kasi ang dami nilang satsat hindi nalang tumahimik.

"Tsk, meron siguro 'to". Rinig kong bulong ni Jimmy kaya sinamaan ko sya ng tingin pero nag kukunwari lang sya na natutulog.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now