CHAPTER 24: ISSUE

72 15 0
                                    


JILLIAN's POV

Maaga akong nagising dahil ewan ko sa sarili ko. Hahaha joke. Naisip ko kasi na mag-luto ng breakfast nila. Bumangon na ako at nag hilamos, ginawa ko muna ang morning routine ko, mamaya na ako maliligo dahil mapapawisan din naman ako. Nag suot lang ako ng White T-shirt at short na kulay black, ngayon lang kasi ako nag maiksing short... Lagi kasing bumibisita ang mga boys kaya tudo reklamo ang mga brother's ko. 5:00 am in the morning kaya bumaba na ako ng kwarto ko, pag baba ko ay pinuntahan ko muna si Jisy sa tulugan nya. Palipat lipat kasi ng tulugan yung asong yun. Minsan nga sa higaan ko at tsaka sa kwarto ni Kuya John. Ayaw nyang matulog sa labas dahil nag iingay lang sya dun at laging sinisira ang pinto kaya lagi din napapalitan yun kaya sa loob na natutulog si Jisy. Nakita ko syang tulog kaya hinayaan ko nalang sya, pumunta na ako sa kusina para mag-luto. Hindi ko alam kung bakit ako nag luto sa kanila o kaya baka bumait na ako ng tuluyan?

Habang nag luluto ako ng Bacon, egg, hotdog, tusino... Madami kasi akong niluto alam ko naman na pag umaga madaming kumain yung mga yun kaya dinamihan ko na din, ito din kasi yung pinang-groceyhan ko kagabi. Nag fried rice na din ako, may narinig naman akong pumasok sa kusina.

"Ma'am! Ako na po, kayo na po ang nag luto kagabi eh." Sabi ng katulong namin, masarap din syang mag-luto at sya din ang nag turo saakin na mag luto. Nginitian ko nalang sya, hindi naman ako nag rereklamo sa ginagawa ko dahil nasisiyahan ako sa ginagawa ko.

"Alam mo Nanay Sum, kung mag dada kalang dyan... Ikaw nalang ang mag handa ng mga plato sa dining room." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya dahil busy ako sa pag luluto, mahirap din kasi matalsik talsik yung mantika. Dati nga nung tinuruan ako ni Nanay Summer na mag luto ay natatakot ako sa mantika, tapos sya tumatawa lang. Bata pa kasi ako nun, at tsaka mas matanda sya ng kaunti saamin kaya sya na ang tinuturing kung Nanay kasi lagi naman nasa business trip ang mga magulang ko.

"Hayts, ikaw talagang bata ka.... Himala hindi kana takot sa mantika?" Nakangiting tanong nito saakin, ngayon lang kasi ako nakapag luto ng mamantika kasi lagi naman akong nag luluto na hindi mantika, puro sabaw ang niluluto ko. Pumunta na sya sa kabinet na puro plato at kinuha nya yun.

"Sanay naman po akong masaktan. HAHAHA." Natatawa kong sabi, nakitawa nalang din si nanay at pumunta na sa dining room para ilagay yung mga plato.

Pag katapos kong mag luto ay tinulungan akong ilagay ni nanay lahat ng niluto ko. Madami kaming maids pero si Nanay Summer ang pinaka-close ko sa lahat ng maids sa mansion na 'to. Habang nag hahain kami ay narinig namin ni Nanay Summer na bumaba na ang lahat.

"Good Morning pepol!" Sigaw kaagad ni Hanz at nag unat unat pa. Seriously? Sa harap ng pag-kain nag uunat pa? Binatukan sya ni Stephen kaya napasimamgot si Hanz.

"Ang ingay mo, ang aga aga." Reklamo ni Stephen kay Hanz. Umupo nalang si Stephen ganun din ang iba. Tinignan ko ang wall clock namin sa dining room at 6:10 am na pala. So, saktong 6:00 ako natapos? Ganun?

"Ang aga mo atang magising, Jillian." Tanong saakin ni Kuya John na humihikab pa. Inaantok pa si ilong-- este si Kuya John.

"Hindi ko din alam eh, at tsaka ako din nag luto." Napamasid si Tristan at Steven pati na din sila Kuya. Ang OA naman ng apat na 'to, buti pa yung girls at sila Kuya Nikko. Mukha ngang nasarapan si Kuya Nikko at Stephen sa niluto ko.

"Totoo?!" Hindi mapakaniwalang tanong saakin ni Kuya John. Grabe, sigawan daw ako? Tsk. Tinignan ko naman si Tristan at Steven na umiinom ng tubig.

"Oo nga, mamaya tanungin mo si Nanay Summer." Sabi ko at tsaka kumain. Ayaw maniwala saakin, alam lang kasi nila na nag luluto lang ako ng mga sabaw like adobo at sinigang, basta yung may mga sabaw. Minsan lang kasi ako mag-luto ng mga mamantika.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now