CHAPTER 40: CHOICES

49 10 0
                                    

JILLIAN's POV

Grabe talaga yung nang-yari kahapon kung alam nyo lang. Biglang yumanig yung mundo ko ng marinig kong gusto nya akong ligawan, syempre mag papa-choosy paba ako kaya nag yes ako. Pero kinababahala ko pa din si Tristan kasi alam ko din na may gusto sya saakin, ang sakit pag sigurong nalaman nyang nililigawan na ako ni Steven. Wag kayo dyan ah, hindi ko pa sya sinasagot. Hindi talaga ako makatulog kagabi kakaisip yung sinasabi nya saakin, kahit sobrang daming sheep na ang binilang ko sa utak ko pero hindi pa rin ako makatulog pero buti naman napatulog ako ni Kuya John, kinantahan nya kasi kasi ng 1:00 pm eh hahaha. Sweet diba?

"Shopping tayo, gusto kong bumili ng keychain dito." Pag-aayaya saamin ni Lily, nandito kasi kami sa labas at nakaupo habang tinitignan ang view ng dagat at sobrang ganda pa nito.

Hindi pa masyadong mainit ngayon kaya nasa labas pa kami, si Julia kasi ang arte sa araw ayaw daw umitim.

"Ok, sige. Ano oras ba?" Tanong ni Roxy na umiinom ng juice na pinagawa nya sa hotel.

"Ngayon, hindi pa naman masyadong mataas ang araw kaya hindi pa masyadong mainit." Sabi ulit ni Lily, ano nanaman kaya bibilhin ko dun. Wala naman akong mabibili dun kasi damit at mga something something lang bibilhin ko dun or pag may nakita akong pag kain.

"Ok, Let's go." Sabi ni Julia at nauna ng pumasok sa hotel at sumunod naman kaming tatlo.

*

TRISTAN's POV

Nakita kong aalis sila Jillian kaya nilapitan ko para mag tanong kong saan sila pupunta.

"Jillian!" Sigaw ko sa kanya sa malayo, ngumiti naman ito saakin st kumaway din.

Pag lapit ko ay may mga dala silang bag at sari-sarili pa.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko at hindi pa rin maalis ang malaki kong ngiti.

Nakakainlove kasi pag nakikita ko sya.

"Ahm, bibili lang ng mga pasulubong." Sabi nito kaya napangiti nalang ako sa kanya. Tinurot nya naman pisnge ko kaya parang namula ata ang pisnge ko.

"Ahahah, ang cute." Rinig kong sabi ni Jillian. Ano?! Sinabihan akong cute? Pwede bang mahimatay muna?

"Bilhan mo na din ako ha." Nakangiti ko pa ding sinabi, tumango ito saakin at tsaka sila umalis na.

Nag lakad lakad na ako at pumunta sa may swimming pool area sa may gilid lang nito kaya hindi masyadong nakakapagod, yung ibang hotel's kasi nasa taas yung pool kaya nakakapagod pero maganda pa din naman kasi makikita mo ang magandang view. Malapit na sana ako sa pool area ng marinig ko ang boses ni Jimmy at mukhang may kausap sya.

Sumilip ako at tinignan kong sino ang kausap nya. At guess what si Steven, nag tago ako sa may bandang halamanan at kunting malapit sa kanila para marinig ko ng mansinsinan ang pag uusap nila, parang seryoso kasi silang dalawa eh.

"Sabihin mo na kasi, para kang babae pabitin pa eh." Rinig kong reklamo ni Jimmy at nakaupo silang dalawa sa may gilid ng pool at nag bababad ng paa nila.

"Oo na, oo na." Narinig ko naman na huminga sya ng malalim at tumingin ng diretso kay Jimmy pero nilalaro lang ni Jimmy ang paa nya sa tubig kaya nagalit si Steven at binasa nya si Jimmy para mapatingin ito sa kanya.

"Tumingin ka nga kasi saakin." Inis na sabi ni Steven kay Jimmy. Para silang mag jowa nakakainggit, ay joke may Johnny at Jillian na kasi ako.

Sinunod naman ni Jimmy ang sinabi ni Steven.

"Sabihin mo na kasi!" Reklamo ulit ni Jimmy.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now