CHAPTER 29: STAY

70 13 1
                                    

JILLIAN's POV

"Meron nga." Pag pupumilit ko dahil hindi sila makapaniwala na may sakit si Tristan.

Napairap ako, nakatunganga lang sila habang nakatingin saakin. Hindi kasi sila naniniwala sa sinabi ko kaya kinuha ko ang phone ko at pinakita ang text ni Tristan.

Ng makita nila ang text ni Tristan saakin ay tumango tango sila at tsaka sila natapos sa kinakain nila. Umalis na kami sa canteen at nag lalakad kami papunta sa gym dahil may meeting daw namagaganap ngayon.

Habang papunta kami sa gym ay nag dadaldalan pa rin kami habang kulang kami ng isa. Nakarinig naman ako ng mga bulungan mula sa mga fangirls ng pito este anim pala sila ngayon dahil wala si Tristan.

"Ba't wala ang bebe Tristan ko?"

"Oo nga eh."

"Omg! Ang gwapo ni Johnny!"

"Jimmy akin nalang abs mo!"

"STEVEN! PAKITA MO GILAGID MO PARA LALONG LUMIWANAG DAHIL PARANG UULAN!"

Napatawa ako sa sinabi ng babae tungkol kay Steve. Lahat kami natawa pero si Steve lang hindi kasi ang sama ng tingin nya sa babae na nag sabi nun kanina kay Steve.

"I DON'T GIVE A SH*T! SO, SHUT UP!" Sigaw pabalik ni Steve kaya natigilan lahat ng mga babae sa kakatili ng marinig nila na galit na galit na ang lolo namin.

"Nako! Baka lalong tumanda ka dyan." Aniya ni Stephen na nag lalaro nanaman ng mario nya sa phone nya. Binatukan naman ni Hanz si Stephen kaya napatigil sa paglaro si Stephen at tsaka sya... "ANUEBA?! NATUTUSOK AKO SA BABA MO?!" Sigaw nito kay Hanz at nag laro ulit sa phone nya.

"Tanga ka kasi, matanda na kasi yan kaya huwag--" Natigilan sa pag sasalita si Hanz ng tumingin sya kay Steve na ang sama sama ng tingin sa kanya. Mag salita pa sana si Steve pero sumingit naman bigla si Lily sa usapan.

"TUMIGIL NGA KAYO!" Sigaw ni Lily kaya napatigil sila sa sigaw ni Lily.

"Hehehe, tuloy nyo na. Hihihi" Awkward na ngumiti si Lily habang naka peace sign pa.

Nag lakad nalang kami papunta sa gym. Alam nyo ba ang nakakairita? Kasi sobrang layo ng gym dito sa building namin kasi ang laki ng University ni Nikko. Nakakainis! Nakakainis kasi na mas matalino pa sya saakin :(

Habang nag lalakad kami ng tahimik ay binasag ko yun dahil sobrang tahimik namin, pati pa nga sila Julia, Roxy at Lily napakatahimik din eh.

"Bibisita ako kay Tristan... Sino sasama?" Tanong ko sa kanila habang malapit na kami sa gym.

"Kami." Sabi ng lima pati na din sila Roxy. Napatingin naman kami kay Steve na tahimik lang nag lalakad. Ng mapansin nyang parang hinihintay namin ang sagot nya kaya napatigil sya sa pag lalakad at tumingin saamin.

Nakatitig sya saakin...

Parang matutunaw ako sa tingin nya. Pwede bang mahimatay muna?

"Oo sasama ako kasi kasama si jillian." Sabi nito habang nakatitig pa din saakin. Hindi namin marinig ang sinabi nya nung nasa huli kasi binulong nya lang yun kaya nag lakad nalang sya at nauna na sa gym. Iniwan kami ni lolo na nakatulala at iniisip yung sinabi nya kanina nung huli.

"Ano daw yung huli?" Tanong saamin ni Jimmy. Nag kibit balikat nalang kaming mga girls at nauna na papunta sa gym.

***

Nag lalakad kami papunta sa bahay ni Tristan. Nang matapos kasi yung meeting sa gym ay pinauwi na kaagad kami.

"Saan kayong club sasali?" Tanong ni Nikko saamin. Yung tinutukoy nya kasi yung meeting kanina sa gym.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now