CHAPTER 28: DREAM

60 10 0
                                    

Dedicated to janjung14 kasi panay vote❤️ sya sa bawat chapter at nag ko-comment din sya kaya nakakaganang gumawa ng story. Hello sayo bhee!😊👋❤️

Sorry hindi kasi kita malagay kagaya ng nilagay ko sa chap. 26 nung nadidecated ko yung isa. Follow nyo nalang po ako janjung14 kung gusto nyo para po madidecated kita like kay maxzeneELLANO.😊❤️

-----

STEVEN's POV

Hindi ako makapaniwala na hinawakan ni Jillian ang kamay ko para lang mainis si Sean. Nakakabakla man sabihin pero kinilig ako nun, pag katapos kasi namin kumain sa mansyon ng mga Park ay umalis na kami kasi ayaw na namin ma istorbo ang mag kakapatid na yun. Nandito ako sa bahay ko, matagal na kasi akong hindi bumibisita dito sa bahay. Puro kami sa condo naming pito eh yung mga ugok naman wala sa condo na yun dahil nasa sarili nilang mga bahay. Kaya umuwi nalang ako dito.

Nakatitig lang ako sa kisame dahil iniisip ko pa din yung nang-yari kanina nung hinawakan ni Jillian ang kamay ko. Hindi ako maka move on sa nang-yari. Nung nahawakan ko yung kamay nya grabe sobrang lambot ng kamay nya. Para ngang bulak sa lambot ng kamay nya eh. Pagulong gulong ako sa higaan ko. Napahinto nalang ako ng may naisip ako.

Tignan ko kaya kung naka online sya?

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa tabi ng higaan ko. Pag ka online ko, tama nga ako naka online nga sya. Makachat nga.

JILLIAN PARK
Active now

Steven: Hi!😄 Online kapa?
Seen

Jillian: Ay hindi offline na.

Steven: Tsk, matulog kana nga!

Jillian: Eh!? Ano ka boss?🤨

Steven: Boyfriend
/delete

Steven: Oo? Bakit?

Jillian: Pch, ewan ko sayo. 😒

Steven: Matulog kana kasi!
Seen

Steven: Isa Jillian!
Seen

Steven: Hindi pinag si-seen ang gwapong si steven.
Seen

Jillian: E'di wow. Tsk oo na.

Jillian Park is offline.

Tignan mo 'tong babaeng 'to, napaka maldita pag sa chat pero sa personal napaka takot saakin. Aish, malalagot ka saakin Jillian bukas. Pumikit nalang ako para makatulog na.

-----

Nag lalaro kami ng kaibigan kong babae dito sa playground malapit sa bahay namin. Nakatingin lang ako sa batang babae na nag lalaro ng laruan ko, pinahiram ko kasi sya kasi nasa bahay daw nya yung mga laruan nya kasi ayaw daw ilabas ng Kuya nya.

"Bata, ba't kaba tumakas sa bahay nyo?" Tanong ko sa kanya na nag lalaro ng buhangin tapos yung laruan kong plastic na kutsara.

Love Triangle [COMPLETED] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt