CHAPTER 5: LUNCH BOX

107 11 0
                                    

JILLIAN POV~

After a 3 month, naging sikat na kami dito sa bagong school na pinapasukan naming apat. Hindi nga kami makapaniwala dahil sikat din pala kami dito. At tinatawag kaming BP4. It means 'Black Pretty 4', binigay lang saamin ng mga fans iyon, kaya ayun na ang naging name group naming apat at doon din kami na kilala sa 'Black Pretty 4'. At medyo ma-creepy na ngayon kasi may nag bibigay saakin ng lunch box, hindi ko alam kung kanino yun. Kaya binibigay ko nalang sa mga estudyante, at ang masaya nun ay naging kaibigan ko na ang ibang kaibigan nila kuya except lang kay steven, masyado syang nakakatakot tumingin kaya minsan lang ako nakikipag usap sa kanya.

Nandito kasi sa rooftop, wala lang nag papahangin lang. Lagi ko kasing iniisip na sino ba ang nag dadala saakin araw araw ng lunch box? Hindi ko nga kinakain iyon baka kasi may lason na nilagay tapos may galit pala saakin. Kaya binibigay ko nalang sa iba iyon pero wala naman nangyaring masama sakanila. Araw araw akong binibigyan ng ganun minsan nga ay may nakasulat na 'kumain ka sa tamang oras. LBS~'. Tapos may nakalagay pang LBS? Ano yun? LABS? Nahiya pa yung nag bigay, ayaw pang lagyan ng 'A'. Iniisip ko nga na baka 'lunch boxS?' Iyon eh, baka nga oo? Nilagyan lang ng 'S' sa dulo.

At tsaka hindi pa alam nila kuya ito na may nag bibigay ng ganun saakin, ang nakakaalam lang ay yung mga girls ko. Kasi pag sinabi ko iyon, baka anong gawin ng mga kuya ko, lalong lalo na si kuya john napaka sensitive pa naman yun.

Natigilan ako sa pag iisip ko ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko, lumingon ako at si lily pala iyon, kasama sila julia at roxy na kumakain.

"Hmm?" Yun kaagad ang sabi ko sa kanya habang naka cross arms pa ako at sabay na napataas ang mga kilay.

"M-meron n-naman." Hingal na sabi ni lily, alam ko na yun. Nandoon nanaman ang lunch box, lagi kasi tinitignan nila yun eh ako hindi ako pumupunta sa locker room ko kasi wala naman akong kinukuha doon. Pero may nilalagay din ako dun.

"May nakasulat din doon." Sabat namam ni julia na kumakain ng ice cream. Napanguso ako habang tinitignan si julia na kumakain ng ice cream.

Nauna na akong mag lakad pababa para tignan ang nakasulat doon sa lunch box. Naramdaman kong sumusunod yung tatlo habang si lily ay puro reklamo. Hindi ko alam kung ano ang nirereklamo nya kaya binilisan kong bumaba.

Pag baba ko sa rooftop ay dumiretso kaagad ako sa locker room ko. Minsan naman pag wala sa locker room ko nasa room ko iyon at sakto nasa upuan ko pa.

Hala..? Bat ngayon ko lang naisip?... Baka may stalker... AKO?!...

Nang makarating ako sa locker room ay nakita ko kaagad ang akin na nakabukas ng kaunti kaya mabilis ko iyon binuksan. Nanlaki ang mata ko ng may nakita pa akong bulaklak. Tsk! Trip ba ako ng mga lalaki ngayon? Or baka naman babae sya?

Kinuha ko nalang iyon at binuksan ang papel na may nakasulat.

Dear my future girlfriend!

          Please naman, kainin mo naman yung niluluto ko! Pinaghirapan kong lutuin yang fried chicken nayan kahit matalsik talsik pa yung mantika saakin. Ok lang saakin <3 basta ikaw!❤. Please my future girlfriend! Parang awa mo na :'<  kainin mo naman ang mga binibigay ko sayo. Sobrang sakit dahil lagi mo nalang binibigay sa mga Estudyante eh :'(  . Please my future girlfriend!❤. May bulaklak pa dyan, at may mga chocolates pa dyan, para hindi ka ma-stress <3. Yun lang, love u my future girlfriend! <3

TO: MY FUTURE GIRLFRIEND
FROM; LBS~

Mabilis kong binuksan ang lunch box, laking gulat ko na ang laki ng hita at malaman laman pa. Mukhang bagong luto ito, yung mga binibigay nya kasi hindi ko nalang binubuksan pero labag man saakin ay binuksan ko parin, pero ngayon ko lang na buksan. Kasi ngayon lang kahaba ang mga sinusulat nya, as in ngayon lang. Baka nagalit na saakin or baka napagod na saakin, nanlaki ang mga mata ko ng may kumuha ng papel saakin. Pinasadahan ko ng masamang tingin iyon pero sila roxy, julia at lily pala iyon.

Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now