CHAPTER 55: REACTION

61 9 12
                                    

"Sino ba kasi nag bigay nyang picture na yan?" Inis na tanong ni Kuya Jim saakin habang nag lalakad kami sa room namin. Actually, nandito na kami ni Kuya Jim sa University pero may nag sabi saamin na naurong daw yung sched ng klase namin at 2:00pm pa daw kaya ayun.

"Hindi ko nga alam Kuya Jim, si Lily nga hindi nya nga din alam kung sino nag bigay nitong picture na 'to." Sabi ko, kanina pa kasi sya tanong ng tanong eh ako tinitignan ko lang itong hawak kong box. Wala kasi akong makitang clue dito kung sino ba nag bigay ng box na ito saakin nakakainis, dapat pag nag bibigay sila, dapat may clue. Ang daya.

"Itapon kaya natin yan, baka kasi may something dyan sa picture eh." Bigla akong napahinto at tinignan ng masama si Kuya Jim pero tinaasan nya lang ako ng isa nyang kilay. Napairap nalang ako at nag patuloy na sa pag lalakad.

"Ayoko Kuya, at tsaka tignan mo naman yung picture. Picture namin nina Steven at Tristan 'to." Inis na pinakita ko sa kanya ang picture naming tatlo ni Tristan, Steven at ako. Nag kibit balikat nalang sya at tumingin na sa dinadaanan.

"Oh ayan na sya!! Jillian!!" Napalingon ako sa likod ko ng may sumigaw sa maganda kong pangalan. Pag kalingon ko si Julia at Roxy lang pala na tumatakbo papunta sa gawi namin ni Kuya Jim.

Siguro nakipag chismis na naman 'tong dalawang ito sa kabilang building. Hyts

"Oh bakit?" Tanong ko agad ng makalapit na silang dalawa sa gawi namin ni Kuya Jim.

"Wala lang, sabay na tayo." Aniya ni Julia at sabay hawak sa braso ko pero tinabing agad yun ni Roxy at sabay tulak sa kanya papunta kay Kuya Jim. Natawa naman si Roxy sa ginawa nya kay Julia at sya naman ang kumapit sa braso ko.

"Btw, nasan pala si Lily?" Nakangiting tanong ni Roxy saakin. Nako, plano nya siguro na ipag lapit si Julia kay Kuya Jim. Hmm, iba din itong si Roxy eh.

"Mamaya pa sya papasok sabi nya, nanunuod pa ng---" Natigilan ako sa pag sasalita ko ng bigla bigla nalang sumisigaw itong si Julia.

"Hahawakan ka lang naman eh!! Tignan mo sila Roxy at Jillan mag kahawak tapos tayo hindi?! Ang damot mo Julia Anne!!" Sigaw ni Kuya Jim kay Julia at sabay tumalikod habang naka cross arms pa sya. Nag katinginan kaming dalawa ni Roxy at sabay nag kibit balikat, hinayaan nalang namin yung dalawang walang label doon na mag away at dumiretso na kaming pumasok ni Roxy sa klase namin.

"Oy! Antayin nyo kami!" Rinig naming sigaw ng dalawa, natawa nalang kaming dalawa ni Roxy at dumiretso na sa classroom.

----

"Okay class dismiss." Sabi ng prof namin at tsaka sya lumabas na ng classroom namin, tumayo ako sa kinauupuan ko at nag unat ng katawan. Grabe kasi isang oras akong nakaupo sa upuan ko habang nakikinig sa klase. Katabi ko si Roxy tapos sa likod naman namin sila Kuya Jim at Julia, si Lily lumipat ng classroom kila Kuya John. Mag kaiba kasi kami ng sched at talagang si Lily lang ang hindi namin kasama, pero kasama naman nya si Kuya John kaya ok lang naman sya dun.

"Jillian! Umupo ka nag susulat ako eh!" Napahinto ako sa pag uunat ko ng sigawan ako ni Kuya Jim, tinignan ko sya at tinarayan sabay upo na sa upuan, hindi ko naman kasi alam na nag susulat pa yung kupal na yun. Puro kasi landi eh. Charot HAHAHA

"Bagal bagal mag sulat pero pag dating sa mga chicks ang bilis bilis. Tss." Rinig kong bulong ni Julia, alam ko naman na si Kuya Jim yung pinaparinig nya. Ito naman si Roxy ka-text nya yung Jowa nya, oo may jowa na yan si Charles. Remember? Yung nakilala namin nung nag beach kami?

"Bakit? Selos ka?" Pang aasar ni Kuya Jim kay Julia, wala nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag aasaran. Grabe para silang aso't pusa, si Julia mukhang pusa tapos si Kuya Jim mukhang aso. Naks bagay HAHAHA

Love Triangle [COMPLETED] जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें