CHAPTER 58: AKALA KO SYA NA...

68 9 0
                                    

JIMIN's POV

"Sya si Julia." Tipid na sagot saakin ni Nikko habang tinitignan namin yung picture ng isang batang babae... Na si Julia...

"Julia? As in si Julia talaga? Yung--"

"Oo, si Julia nga. Ang girlfriend mo, Jimmy." Mahinhin na sabi saakin ni Nikko habang tinitignan pa din nya yung picture, hindi ako nakapaniwala na si Julia pala yung picture na yon. Hindi ko kasi namukhaan kaagad eh.

"Bakit Nikko? Anong meron kay Julia? At saan mo nahanap yang picture nya nung bata sya?" Sunod sunod na tanong ko kay Nikko, curious lang naman ako. Gusto kong malaman kung bakit na kay Nikko yung picture ni Julia eh ang alam ko hindi binibigay ni Julia yung mga picture nya dati nung bata pa sya. Baka naman kinuha nya lang, aish ewan.

"Wag kang magagalit kay Steven ah." Paalala nito bigla saakin, nagulat naman ako bakit nasali si Steven sa usapan namin. Ba't parang kinakabahan ako sa sunod na sasabihin ni Nikko? Parang ayoko ng ituloy yung sasabihin nya pero curious na curious na talaga ako eh.

"Steven? Bakit??" Tanong ko ng may pag tataka.

"Jimmy, kasi si Julia at Steven may tinatago sa isa't isa... Naging sila Jimmy, pero patago yun." Sabi saakin ni Nikko, pero parang hindi parin nag si-sink in sa utak ko yung sinabi ni Nikko para bang... Hindi ko narinig yung sinabi nya pero unting unti nag si-sink in na sa utak ko yung sinabe ni Nikko.

Naging sila Jimmy...

Naging sila Jimmy...

Naging sila Jimmy...

Paulit ulit sinasabi ng utak ko pero parang hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi ni Nikko hanggang sa may pinakita syang picture nila Julia at Steven na mag ka holding hands papunta sa library. Wait, wala akong natatandaan na sabay silang pumunta sa library?? Diba?

"Natatandaan mo ba nung biglang umalis si Steven kasi nalaman nyang ikakasal na si Jillian?" Tanong saakin ni Nikko, imbes na mag salita tumango nalang ako sa sinabi nya.

"Tapos diba nag cr nun si Julia? Ang hindi natin alam, sumunod lang si Julia kay Steven para pakalmahin si Steven baka anong magawa nya dahil nalaman nyang ikakasal na si Jillian. Matagal na sila Jimmy, ako nga din hindi ko din alam na may tinatagong relasyon pala yung dalawang yun eh." Pailing iling na sinabi ni Nikko habang ako nakatunganga sa sinabi nya.

Hindi ako makapaniwala na naging sila, pano nya sinikreto saakin o saamin yon? Ang gagaling nga naman!! Napaka babaero ng Steven na yon! Simula ngayon galit na ako sa dalawang yon!!!

Simula ngayon kakalimutan ko na naging kaibigan ko si Steven.

Tatayo na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni Nikko kaya napaupo nalang ulit ako.

"San ka pupunta?" Tanong nya saakin habang nakahawak pa sa kamay ko, sabay kaming tumingin sa kamay namin at agad din naman yun tinanggal ng nalaman namin na mag kahawak pala ang aming kamay.

*Awkward

Grabe nakakakilig, siguro panahon na din para maka move on na ako kay Steven kasi meron na akong Nikko ngayon.

Bilis ko naman mag move-on kay Steven.

Natigilan ako sa pag iisip ko ng marinig kong tumawa si Nikko kaya tumingin ako sa kanya at nag tataka kung bakit sya tumatawa ng walang dahilan.

"Ok ka lang?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, hindi nya ako sinagot tumawa lang sya ng tumawa kaya nakisabay nalang din ako kahit papaano kailangan ko din ng masayang buhay noh, ayoko naman maging sad araw araw dahil lang dun sa nalaman ko pero hays mamaya malulungkot na naman ako nito dahil nag sikreto sila saamin lalong lalo na si Julia.


Love Triangle [COMPLETED] Where stories live. Discover now