CHAPTER 17: HI BABY!

82 11 4
                                    

LILY's POV

Nataranta kaagad ako nun kaya lumapit na kaagad ako kila Nikko na hanggang ngayon ay nag uusap parin. Hanggang kelan ba sila matatapos sa usapan nila, kung ako yung naging President... Baka kanina ko pa sila pinaalis dito sa school na 'to. Para tapos na usapan kasi sinasayang lang nila oras nila.

"Nikko si Jillian. Dalhin natin sa clinic." Napahinto sa pag sasalita si Nikko at tumingin sya saakin. Tumango naman sya saakin kaya tumingin sya ulit sa dalawa na babae na nanakit kay Jillian.

"Kayong dalawa! Dahil sa kakagawan nyo, wala na yong scholarship na pinag hirapan nyo." Medyo na gulat ako dun, pero dapat lang sa kanila yun dahil sa nang-yari. Buti nalang malayo sa sugat ni Jillian yung pag kakasipa ng babae.

Tumayo si Nikko para buhatin si Jillian at idala sa clinic. Lumabas naman sila Julia at Roxy para pumunta din sa clinic, pero ako nakatayo parin at tinitignan ko yung dalawa. Wala ba silang balak na umalis? Office 'to ni Nikko. Pag katayo ng dalawang babae ay humarap sila saakin. Pag harap ng pag harap nila ay nakita ko nalang naumiiyak pala sila. Sinamaan nila ako ng tingin at umalis na sila.

Dapat lang sa kanila yan, kung hindi nila ginawa kay Jillian iyon. Hindi mawawala ang sinayang nila scholarship.

Umalis nalang din ako at pag katapos nun ay dumiretso na sana ako sa clinic pero may nakita akong pamilyar na lalaki. Nasa malayo sya kaya hindi ko na nakikilala ang mukha nya. Ng palapit sya ng palapit ay ngayon ko lang nakilala ang mukha nya. Anong ginagawa nya dito? Wag mong sabihin...

Lalo akong kinabahan ng magtana ang mata nya sa mata ko. Shit naman! Dapat pala tumakbo na ako eh. Ang lapad lapad ng ngiti nya ng makalapit sya saakin. Anong gagawin ko?!

"Long time no see, Lily." Hindi ko alam kung nang-aasar pa sya ngayon pero para saakin... Naasar ako. Dapat may gawin ako.. Tama ayun nalang ang gagawin ko.

"Hello, kilala mo pala ako. Ako si Lily Garcia. Ngayon lang kita nakita dito sa University. Bago ka lang ba dito?" Kahit kelan talaga walang preno itong bibig ko. Baka mapansin pa ako nito eh. Aish! Sana hindi nya ako mahalata.

"Wag ka ng mag kunwari pa, Lily." Argh! Kahit kelan talaga nakakatakot itong lalaking 'to. Sarap batukan pero wag muna ngayon kasi mag kukunwari akong hindi ko sya kilala.

"Anong wag mag kunwari Kuya?" Nakangiting sagot ko, hanggang langit na ata itong ngiti ko eh. Pero syempre hindi ako mag papahalata. Si LILY GARCIA kaya ang kaharap nya.

"May sakit kaba Lily?" Sabi nito at tumawa. Sarap talagang batukan pero wag ngayon.

"Oo, sabi kasi saakin nila mommy meron daw akong amnesia." Please maniwala ka lalaki ka. Pag hindi ka maniwala, hindi ko na alam gagawin ko.

Matagal syang natahimik. Siguro nag iisip sya. Sana naman maniwala sya sa kasinungalingan ko.

"Ganun ba miss? Sige una na ako. Mag e-enroll pa kasi ako dito sa maganda nyong University." Sabi nito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil naniwala naman sya. Akala ko kasi hindi sya maniniwala eh. Pero ano nga ulit yun?! Mag e-enroll sya dito?! Nako kailangan ko ng pag sabihan sila Roxy at Julia dito.

Nag bow lang kami sa isa't isa at umalis na. Nag madali naman akong pumunta sa clinic, pag dating ko dun ay pumasok kaagad ako sa room ni Jillian. Pag pasok ko ay nakita ko si Jillian na gising na, akala ko matutulog na naman sya ng matagal eh.

"Buti naman gising kanang bruha ka!" Inis ko, nakakainis kasi sya eh. Pero mas nakakainis kasi nandito yung lalaking yun. Kailangan kong mag seryoso ngayon.

Love Triangle [COMPLETED] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt