CHAPTER 26:

393 11 2
                                    

Sandy's Pov

"Nyahahahahahahaha busog na busog ako! salamat bossing ha"

Nakangisi kong sabi at aakbay na sana kay Bonux ng bigla ako nitong sinamaan ng tingin kaya iniyakap ko na lang sa sarili ko ang mga kamay ko.

Opo balik na po ako sa pagiging masigla, kaya wag na wag lang talaga akong bubwesitin ngayon basag talaga ang bungo.

Papunta na kami sa parking lot halata namang pauwi na kami at napangisi ako sa isipang yun dahil magtutuos pa kami mg ref ni Bonux ang dami kasing pagkain dun at dahil patay gutom ako at wala namang pake si Bonux sa mga pagkain ako na lang ang magmamalasakit.

Agad akong napanguso ng mapagtanto kong kanina pa si Bonux may kausap sa selpon niya, sino kayang kausap nito baka babae niya lang, bahala siya sa buhay niya.

Biglang may bumbilyang lumitaw sa ulo ko ng makita ko si Manong may naisip na naman kasi akong kalokohan.

Tumakbo ako papunta kay Manong, pero dahan dahan lang para di niya ako mapansin, gugulatin ko lang naman si Manong.

Nilampasan ko si Bonux at inerapan pero hindi man lang ako nito pinansin, pshh! bahala nga siya!

Ng makarating ako sa kinatatayuan ni Manong ay pigil tawa akong tumayo sa likod niya, hindi parin ako nito napapansin at abala parin sa pagsusulat ng kung ano.

At walang sabi sabing sinigawan ko si Manong.

"MANONG!"

Sigaw ko, bigla itong napatalon, napaatras ako ng kaunti ng tinutokan ako nito ng baril.

Napahagalpak ako ng tawa dahil yung mukha ni Manong hindi na maipinta dahil sa gulat.

"Baba ang baril!"

Mas lalo lang akong napatawa sa sinabi ni manong at bago pa man ako mamatay sa kakatawa eh tumigil nako mahirap baka ako ang pinakuna unahang tanga na namatay sa kakatawa.

Pero pansin ko lang paborito ata ni Manong yang linyang yan kanina pa kasi niya yan binibigkas.

Nginisihan ko si Manong, ng makita niya kasi ako ay napabuga ito ng hangin at dahil sa sinapian ako ng kagagahan hindi dun natapos ang paghihirap ni Manong.

Ibaba niya na sana ang baril niya, pero agad kong tinadyakan ang kamay niyang may hawak nun dahilan para lumipad ang baril papunta sakin,walang kahirap hirap ko iyong sinalo at pinaikot sa kamay ko gamit ang gantsilyo, opo marunong po ako ng ganun, nakita ko lang naman yun sa t.v.

Pabiro ko iyong itinutok sa kanya at agad namang napataas ang mga kamay ni Manong ng wala sa oras.

Napahagalpak na naman ako ng tawa ewan ko ba laptrip talaga si Manong eh.

"Pa- - - - -pa- - - -"

Kanda utal nitong salita, pero hindi ko na pinansin pa si Manong dahil nakatutok na ang buong atensyon ko sa lalaking parang may kung anong kinukolikot sa sasakyan ni Bonux.

Ilang segundo ko pang pinagmasdan ang ginagawa ng lalaki pero agad ring naglakad papunta sa kanya parang may mali kasi at may masama akong kutob.

Inaabot ko kay Manong ang baril niya habang hindi hinihiwalay ang ang tingin ko dun sa kahinahinalang lalaki.

Binalik ko ang tingin ko kay Manong hindi niya kasi kinuha ang baril.

"Manong oh."

Sabi ko at sa wakas natauhan rin si Manong at dali daling kinuha ang baril sa akin.

Pero ng tingnanko ulit ang lalaki ay wala na ito, wala akong sinayang na oras at dali daling lumabas.

Nagpalinga linga ako, kumonot ang ang noo ko ng makita ko sa may di kalayuan yung lalaking naka jacket. At malinaw pa sa sikat ng araw ang hawak niyang maliit na remote, kitang kita ko ang pagngisi nitong parang nasapian ng masamang ispirito.

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now