CHAPTER 33: maharot na Bilyonaryo Part 2

225 12 1
                                    

Sandy's Pov:

At syempre biro lang, hindi pwedeng kalabanin yun no baka babaan sweldo ko!

Dali dali na akong bumalik sa lamesa at bwebwesitin na ulit sana yung babae ni Bonux ng biglang bumukas ang pinto kaya agad kong pinaikot ang upuan paharap sa ding ding sabay lingon sa may pintuan.

Isa isang naglabasan ang mga taong kausap ni Bonux. Nagpatay malisya lang ako't humalukipkip at kinilatis ang mga di pamilyar na mukha baka isa dito ang kalaban ni Bonux, alam niyo naman ang buhay kung sino pa yung mas malapit sayo sila pa yung gagawa ng kataksilan at kasamaan sayo.

Natigil lang ang kosentrasyon ko ng marinig kong impit na nagsisigaw na naman ang bruha sa likod ko.

" Tumahimik ka diyan kung ayaw mong malintikan. "

Nanggigil kong bulong.

Patay malisya pa rin akong nakatayo at nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang mga grupo ng mga matatandang lalaki na nagkumpulan sa harap ng opisina ni Bonux, hindi ko masyadong marinig ang chismis nila kasi nagbulong bulongan ang mga lolo. Naku! alam ko na mang si Bonux ang sawsawan nila sa chismisan.

Pagkatapos magkaalaman ng mga sekreto o chismis, sabay sabay silang nagtikhiman at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.

Di nakaligtas sa paningin ko ang mga mapanuring titig ng mga lolo sakin lalong lalo na sa mga benda ko, nagtaka siguro kung bakit mga mukahang sira ulo sa loob ng kompanya ni Bonux, nagtaka pa eh mas sira ulo naman yung Bilyonaryong yun kesa sakin.

Napangiwi ako ng isa sa mga myembro ng MMMM ( matandang mayaman madaling mamatay) ang nagawang kumindat sakin. Ha! kahit pa gumagapang na kami sa hirap kahit kailan hindi talaga pumasok sa kukote ko ang mag asawa na lang ng matanda, juiceko! naman mga mambabasa baka paulanan ako ng Diyos ng karma no! tsaka kawawa kaya yung matanda kung lolokohin mo lang!

" HMP HMPPP HMMMMMMPPP!!!! "

Napairap ko sa kawalan.

Hayss nasaan na ba kask si Balerie! mukhang nadaganan na ata yun sa mga babae ni Bonux.

Kumibit balikat na lang ako at hindi na pinansin pa ang bruha na nagpupumiglas sa upuan kaharap ang ding ding.

1 minute later........

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang papalapit na si Balerie, malapit na kasi akong masiraan ng bait dahil sa walang tigil na pagsisigaw ng bruhildang ang tigas ng balonbalonan.

" Salamat naman at naisipan mo pang bumalik, idispatsa mo na nga tong isang to! parang mabibiyak lalo ulo ko sa kanya! "

Himotok ko sa Balerieng bagot na bagot ang itsura.

Imperness naman sa isang to maganda din, pero para siyang si Dora sa buhok niya, bagay naman sa kanya yung maikli ang buhok pero ba't kailangang pa ng bangs, si Dora tuloy na iimagine ko pagkaharap ko siya, kulang na nga lang eh yung unggoy na palaging sumasama kahit saan, ano nga ba pangalan non? Boss? Bossing? Bolts? aaah bastaaa! nagsisimula sa letrang B yung pangalan nung pakialamerong unggoy.

Nabalik ako sa mundo ng bigla kong narinig ang malalim na buntong hininga ni Balerie.

" What are you doing here Alicia? didn't Mr. De Roux already made it clear that he doesn't want to see your desperate face. ?

Kalmadong sabi ni Balerie.

Kamuntikan nakong mangisay sa tawa ng makita kong nakaharap parin sa ding ding yung bruha at pilit na humaharap kay Balerie mabuti na lang na pigilan ko pa.

Dahan dahan kong pinaikot yung bruha paharap.

" Tulungan na kita. "

Sarkastiko kong sabi, sabay hagikhik.

The Billionaire's Squatter GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant