CHAPTER 49:

188 8 0
                                    

SANDY'S POV:

" HUH? ANONG NANGYARI KAY TYANG?! "

Bulalas ko sabay bangon.

" Si Nanay te may lagnat di ko alam gagawin ko antaas ng lagnat niya te, tapos nanginginig pa! Wala pang gamot dito te. Tulungan mo ko. "

Agad Agad akong nagbihis, di nako nag abala pang mag suklay o maghilamos.

" Oo papunta nako diyan, punasan mo muna ng basang bimpo si Tyang ng maibsan ang init sa katawan niya ha. "

Narinig ko ang pagsinghot ni Edmond hudyat na uniiyak na ito.

" Ano ba Edmondo! Wag kang iiyak iyak diyan! Parang di ka lalaki, sundin mo na utos ko, papunta nako diyan, patayin ko na tong tawag ha. "

Mahinahon kong sabi habang nagpaika ikang naglakad pababa ng hagdan.

" Oo te. "

Parang batang sabi sakin ng pinsan ko. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Oo nga pala ang gamot ni Tyang!

Magaalas dos pa lang ng madaling araw kaya sigurado akong wala pang bukas na botika.

Dali dali akong nagpaika ika pataas at papunta sa banyo ko, may gamot kasing nakahanda doon, pasalamat na lang talaga ako't medyo tinuboan na ng konsensya si Bonux at binigyan ako ng sandamak- mak na gamot.

Wala na akong sinayang na oras pagkatpos kong makuha ang gamot ay dali dali na akong lumabas sa mansyon ng paika ika.

Pinunasan ko ang tumolong pawis sa noo ko habang hinahagilap ang bike ko. Bahala na kung dumugo tong sugat ko kakapedal ang mahalaga madala ko tong gamot kay Tyang.

Ng makuha ko na ang bike ko dali dali na naman akong nagpunta sa kabilang bahay para ipaalam sa kanila na uuwi mo na ako saglit.

Kumatok ako sa pinto agad.

Ilang segundo lang ang itinagal at bumukas iyon sabay labas ni Mike.

" Mike pwede ikaw muna magbantay kay Bonux dun sa mansyon? Yung Tyang ko kasi may sakit bibigyan ko lang gamot. "

Sabi ko, agad naman itong tumango sabay...

" Sige Sandy ako na muna dun. Teka, magbabike ka ba papunta sa inyo? Pa'no yang sugat mo sa paa? "

Wala sa sariling napatungo ako at napatingin sa paa kong may benda.

" Ah basta bahala na to Mike ang importante mahatid ko tong gamot para sa Tyang ko. "

Tumango tango lamang ito, ngumiti ako sa kanya bilang tugon sabay sakay sa mountain bike ko.

Napangiwi ako ng magsimula nakong magpedal papunta sa gate. Hay! Kung bakit ba kasi sa paa pa'ko naputukan!

Hep! Hep! Hep! Oh! oh! Ambabastos niyo mga MAMBABASA ha, Hanggang diyan lang pagiging green minded niyo! Wag niyo na ituloy flez lang!

" Sandy! San ka pupunta? Diba double security tayo ngayon? Ba't mo iniwanan sa Sir Donovan?! "

Inis na sigaw sakin ni Spencer na naglilider lideran samin, pero ok naman siya maging lider nakakabanas lang paminsan minsan kagaya ngayon.

" Oi! Oi! Ano Akala mo sakin apakabobo? Medyo bobo lang ako beh! Pinagbantay ko muna si Mike dun sa mansyon at kay Bonux, kasi uuwi ako saglit maghahatid ng gamot para sa Tyang ko maysakit kasi. "

Pangangatwiran ko sa maliit na nasa gate mismo, nagpalinga linga pa'ko sa paligid hinahagilap ang kambal.

" Sige Sige, alis na! Bumalik ka agad kung di malilintikan ka sa'kin! "

Pabulyaw nitong pagpapalayas sa'kin. Inerapan ko lang siya.

" Aba aba! Nahahawa ka na sa kasungitan ng Boss natin ha! Nahihirapan na'kong pakisamahan si Bonux wag ka ng dumagdag pa! "

Angil ko, ito naman ang napairap sabay senyas na lumayas nako, habang pininpindot ang password ng gate.

" Babalik din ako agad Maliit wag ka na bumusangot diyan. "

Mas lalo lang itong sumimangot sa sinabi ko, ngumiti na lamang ako at lumabas na ng gate.

Sana lang walang tumambang sa'kin ngayon o magpaulan sa'kin ng bala.

MISS FUJIMA:

ANADAH CHAPTER MGA MAMBABASA! VOTE AND COMMENT NAMAN DIYAN OH! SAY PRESENT❤️

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now