Chapter 5:

938 23 0
                                    

Sandy's Pov:

Kasalukuyan kong binubwisit ang kapitbahay kong magnanakaw, isama ba naman niya yung mga sinampay namin sa kanila?! Ano yun ukay ukay!

Walangya naman talaga eh! Nasama pa yung pante ko! Hoy mga mambabasa wag kayong ano! Maayos pa yung pante ko! Tsaka binabad ko pa yun sa downy para fresh ika nga ni Mirasol.

" Utang na loob aling Tiba! Ibalik niyo na yung mga sinampay ko! "

Sigaw ko mula sa bakod ng bahay namin.

" Huuuuuh? Ano yun Sandy?"

Sigaw niya pabalik sakin, napairap na lang ako, medyo bingi kasi itong si Aling Tiba.

" Yung SINAMPAY ko po na isama niyo! "

Sigaw ko ulit na para bang nasa kabilang bundok yung kausap ko.

" Sandali lang kukunin ko! "

Hay salamat naman! Itutupi ko pa iyon.

Bigla na lang may na padaan na mga manyakis, na ikinainit lalo ng dugo ko.

" Oi! Mga pare may checks oh!! "

Ano daw checks?! Eh chicks kaya yun! Ambobo ng tatlong to ah! Dinaig pako!!

Bago paman makapag salita yung isa inunahan ko na.

" Oi! Oi! Lumayas layas kayo sa harap ko bago pa dumilim ang paningin ko't maihambalos ko pa tong yero sa mga mukha ninyo! "

Nakapameywang kong sabi habang pinandidilitan ko ng mata ang tatlong sikat na lasenggero sa lugar namin.

" Tara na mga pare,hindi naman pala iyan maganda. "

At tumigil ang mundo este at naghalakhakan ang tatlong unggoy.

Lahat siguro ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko, sinong hindi maganda! Aba'y ang kakapal ng libag ng mga unggoy na to ah! Eh! Split Ends ko lang naman sila!

Oh! Split Ends mga mambabasa ah! Sa creamsilk yun galing! Wag kayo english yun!

Balik tayo sa mga panget nato, hinablot ko iyong na ka usling yero sa bakod sabay hambalos sa kanila, ngunit hangin na lang ang napuruhan ko dahil kumaripas na ng takbo ang tatlo.

" Hoy! Mga hinayupak! Bumalik kayo dito! Suntukan tayo! "

Ni anino nila hindi na nagpakita sakin, sino ba namang matino ang isip na kumalaban sakin, ang siga at mahilig sa basag ulo na si Sandy....Yung kanina? Wala kasi sa huwisyo ang mga lasenggong yun kaya nag karoon ng lakas ng loob para bastosin ako.

Napapahid na lang ako sa damit ko, bulag lang ang hindi makakapansin sa kagandahan ko! Pag umpogin ko ulo ng mga animal na yun eh!

Paarte kong hinawi ang buhok ko at rarampa na san ng biglang.

" Eto na Sandy. "

Panira talaga kahit kailan, kinuha ko na iyong mga damit, ng magsalita siya.

" Yung isang pante mo pala na isuot ko, akala ko kasi akin. "

Sabay alis.

Aba't! Walnjong matanda! Ay patawad po!

Pano nangyari yun! Nakakainis! Nakakabwesit! Pano nag-kasya yun kay Aling Tiba? Eh napaka dambuhala niya!

Minsan na nga lang akong makabili Ng pante kinuha pa! Juiceko!

Hay bahala na nga! Pagbigyan na natin

Pumasok nako sa loob bago pa mahuli ang lahat at mapatulan ko pa yung kawawang matanda.

The Billionaire's Squatter GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon