CHAPTER 16:

596 16 0
                                    

Sandy's Pov:

" Hoy Edmondo! Ako naman patay ka na eh! "

" Teka lang ate,panghuli na toh! "

Kinutusan ko siya,akala ko aaray,pero kahit sulyap lang hindi siya nag abala,tutok na tutok kasi ito sa paglalaro sa selpon niyang bago na naman,binilhan kasi siya agad ni Tyang ng sabihin niyang gagamitin daw sa school,gusto ko rin sanang mag pabili pero anong sasabihin ko? hindi naman ata pwedeng sabihin kong gagamitin ko sa school eh hindi naman ako nag aaral??! Hay! Maghihintay na lang ako ng swerte baka bigyan nako ni Tyang pag dating ng tamang panahon...Hay naku! naloloka na talaga ako!!

Nagbabantay nga pala kami ng tindahan habang nag lalaro ng mobile legends,dapat salitan kami pero itong hinayupak kong pinsan eh sinolo niya na!!

" MUKHA MO!! kanina pa yang panghuli mo eh! "

Kukutusan ko na sana siya ng bigla itong lumayo sakin,seryosong seryoso parin ito sa pag lalaro.

" Promise last na talaga to teh! "

At bigla na lamang akong tinalikuran nito,wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo ng padabog,nag dadamot na naman kasi tong bata nato kasi bago pa yung selpon niya kaya gusto pa niyang masolo,O di sige! Makabili nga ng chubby!

" Sayo na yang selpon mo! Bala ka diyan bibili ang ako saglit. "

" Hulaan ko chubby na naman yan. "

Sabay tawa ng malakas,aba't nagawa pa talaga akong alaskahin!!! Tatadyakan ko na sana siya pero di ko na lang tinuloy baka ngumawa na naman ito na parang bata kaapag napalakas ang tadyak ko,ayokong marinig ang nakakarinding pabebe ng isip bata nato..

" PAKI ALAM KO! "

"Bwesit asan na ba yung tsinelas ko!!!"

" Baka naman maubos na yang pera natin kakabili mo ng chubby,masabunotan na naman ta ni Nanay niyan ate. "

"AHA!" Hinablot ko ang tsinelas ko na nasa ilalim lang pala ng upuan,"Nandito ka lang palang bwesit ka!".

Tumayo ako agad matapos kong maisuot ang tsinelas ko tsaka inerapan si Edmond na nakatutok parin sa paglalaro sa selpon niya.

Hindi nako nag abala pang ipitan ang buhok kong hanggang pwetan na,Oo alam ko sobrang taas niya pero si Tyang ang may gusto nito,nung isang beses ngang tinanong ko si Tyang kong pwede bang mag paputol ng buhok alam niyo ba ano ginawa niya? Sinabunotan niya lang naman po ako ng dahil lang po dun,kaya hindi nako nag tanong simula nun at kahit kailanman ayoko ko ng mag tanong baka kalbohin nako ni Tyang,ang sabi kasi ni Tyang mas maganda daw ang babae kapag mahaba ang buhok,PAKIALAM ko ba diyan!! Mas maganda nga yung maikli ang buhok para hindi masyadong ma-aksaya sa shampoo..

Bago ako umalis ay binigyan ko muna si Edmond ng pinaka malupit kung batok..

" AAAARAAAAY!!! "

Sigaw nito at napakamot naman agad sa ulo,buti nga sa kanya,inerapan ko ulit ito.

" Bantyaan mo tong tindahan ng mabuti baka puro laro ka lang diyan,malilintikan ka talaga sakin. "

Binelatan lang ako nito sabay balik na naman sa paglalaro,bumuntong hininga na lang ako,isip bata talaga kahit kailan....

Naglakad nako palabas sa palengke ng pa sipol sipol,pero agad rin iyong naputol ng makita kong may nagkakagulo sa may bukana ng palengke...

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now