Chapter 7:

730 12 0
                                    

Sandy's Pov:

" Ikaw naman kasi Sandy eh! Ba't mo pa kasi sinundan sundan yung mga kampon ng kadiliman nayun!! "

" Eh! Tyang gusto ko lang namang malaman kung sinong nag papa alis satin!! ng mabigwasan ko naman!!! "

Pangangatwiran ko kay Tyang,hindi na kasi na tuloy iyong paglalabada ko kina Mrs.Herera,may iba na kasi siyang kinuha nakakainis yung mga paasa eh!! Ayan tuloy binubunganga-an na naman ako ni Tyang!!!

" Oh ngayon na nalaman mo na kung sino yang taong yan! Nag kapera ka ba??? Winisikan ka ba niya ng pera??,pang ulam man lang?? Diba WALA!! kaya nganga tayo ngayon!! "

Sangkatutak na irap ang pinakawalan ko at hindi na lamang ako sumagot,hahaba na naman kasi ang usapan kung sasagot pako...

" Malamig na Sardinas ang iiulam niyo ngayon!! "

Agad akong napaharap kay tyang nag huhugas kasi ako ngayon,inerapan ako ni Tyang ginantuhan ko rin siya ng irap,bakit siya lang ba may mata??!!

" Wag kang mag alala Tyang,piprituhin ko ang Sardinas para maging mainit!! "

Bumalik nako sa ginagawa ko, ba't pa kasi ako pinanganak na mahirap!!!! Letcheee!!!

" Wag na kayong mandamay sa ulam niyo! Pupunta ako sa bertday ng anak ni Loleng at dun ako makikikain!!
kaya babay!!! "

Kamuntikan ko ng maihagis ang pinggan na hinuhugasan ko ng marinig ang sinabi ni Tyang..

" Tyang wala namang ganyanan oh!! Damay damay nato noh!!! "

At padabog kong hinarap ang tyahin kong magaling,pero pagsara na lang ng pinto ang nakita ko,kaya inis na lang akong napabalik sa paghuhugas. Kainis naman yung Tyahin kong yun!! mang iwan ba naman sa ere!!

Dali dali kong tinapos ang ginagawa ko at pumanhik nasa taas..

Hinablot ko ang bag ni Tyang,tsaka inilabas ang pitaka niya,akala ko may makukupit pako bukod sa bente,pero ni piso wala!!,kaya wala akong nagawa kundi kunin iyon,may balat ata ako sa pwet eh kaya palagi akong minamalas!!!

" Hoy! Edmondo!! Gumising ka diyan!! "

Sabay tadyak sa natutulog na si Edmond,gumalaw galaw lang ito,tsaka ngumanga ulit ,isa pa tong bwesit nato...

" Edmondo ano ba!!! "

Tinadyakan ko na naman ulit siya,sa mukha naman ngayon,kaya nagtalsikan ang laway niya,di joke lang....kinamot niya ang pisngi niya na tinadyakan ko...

" Ate ang daming lamok,bumili ka nga dun ng katol! yung Baoma ah!!! "

Nakapikit niyang sabi,bigla na lang akong napasabunot sa ulo ko,napag kamalan pang kagat ng lamok ang tadyak ko,sa sobrang inis ko'y ang ulo niya naman ang tindyakan ko...

" Araaaaay koo!!! "

Napabangon ito kaagad at napakamot sa ulo..

" Oh bumili ka dun ng SARDINAS!! "

Sabay dikit ng bente sa noo niya,pinulot ko na iyong mga maruruming damit na nagkalat tsaka ko inilagay sa basket....

" Anoo!!!??? Sardinas na naman!! "

Reklamo ni Edmond sakin,humarap ako sa kanya saglit tsaka siya inerapan..

" Bakit may reklamo ka???!! Mabuti nga at may ulam tayo!! Wag ka ng mag reklamo dahil wala kang karapatan!!! At wag kanang umasang makakabili ka ng corneto!dahil kulang yang pera mo ng dalawang piso!! "

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now