CHAPTER 12:

588 15 0
                                    

SANDY'S POV :

Ng makarating ako sa nag kakagulo ay agad agad kong hinawi lahat ng mga nakiki usyoso sa dinadaanan ko,hanggang sa tuluyan na kaming nag kaharap ng mga taong lapastangan na umapak sa teritoryo ko..

" Ano na namang ginagawa niyo dito? "

Nakahalukipkip kong tanong sa tatlong lalaking ipinadala ng huklubang yun,mga bagong recruit siguro toh, bago kasi sa mga mata ko ang pagmumukha ng mga taong toh..

" Hin...hindi kami naghahanap ng gu...gulo napagutusan lang kami na paalisin kayo... "

Nagkandautal sabi nong isa sa tatlo,dahan dahan akong lumapit sa kanilang tatlo ng naka halukipkip parin,walang kahit na anong emosyon ang mukha ko..

Ng makita ko silang mapa atras ay napangisi ako ng palihim,mukhang hindi ako mahihirapan sa mga toh,halatang halata naman na mga duwag tong mga to eh!!

" Eh, kung sabihin ko sa inyong ayaw namin? May magagawa ba kayo?? "

Walang emosyong sambit ko,nag palipat lipat muna ang tingin nilang tatlo sa isa't isa bago nila ako na sagot,na tila ba hindi nila alam ang gagawin,sorry na lang pala sa bilyonaryong yun mukhang ako ang mananalo ngayon,kasalanan niyang nag padala siya ng mga taong mas bobo pa sakin...

" Pwes kung hindi kayo madadaan sa paki usapan ay gagamit kami ng..."

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinuntok sa mukha dahilan para matumba siya,lahat ng mga tao ay kanya kanyang nagsi alisan,mabuti baka madamay, lang sila dito,akmang babangon yung sinuntok ko ng tapakan ko siya sa dibdib para pigilan..

Nakita kong nakatunganga lang yung dalawa,nag palipat lipat ang tingin nila sakin at sa kasamahan nilang nakahandusay..

" Subukan niyo lang saktan ang kahit na sino dito,magkakamatayan tayo.. "

Susuntukin na sana ako nung isa ng maunahan ko siya ng tadyak sa mukha ayun tumba agad,hindi pako nakuntento at tinapakan ko ng buong lakas ang isa sa mga paa niya dahilan para mapahiyaw ito sa sakit,binalikan ko yung isang nakahandusaybat kagaya ng isa tinapakan ko rin siya pero sa kamay naman ngayon,napahiyaw rin ito sabay yakap sa kamay na inapakan ko..

Pero hindi ko inaasahan ang sunod na mangyayari,nagulat na lang ako ng biglang may dumapong kamao sa mukha ko bwesit! Nakalimutan ko yung isa!!

Tumulo ang dugo galing sa labi ko,letche! pumutok ata labi ko!,hindi ko inundayan ang hapdi ng panga at labi ko walang sabi sabing sinugod ko ang lapastangang simuntok sakin at pinaulanan siya ng suntok at tadyak sa madaling salita binogbog ko ang gagong nag lagay ng gas gas sa mukha ko,hindi ko siya tinigilan kahit nakahandusay na siya at di na makalaban,umupo ako sa dibdib niya at pinagpatuloy ang pag papa ulan ko ng suntok sa mukha niya..

Natigil lang iyon ng marinig ko ang sigaw ng pinsan ko,sabay nun may nakatutok ng baril sa ulo ko..

Edmond:Ate!!! Wag po Sir!! Please!!

Pag mamakaawa ng pinsan ko,hindi ako nakadama ng kahit katiting na takot bagkos abot langit na galit ang nasa buong sistema ko,galit para sa lalaking yun,ipapatay niya pala talaga kami kapag hindi namin sinunod ang utos niya,sa oras na magka engkwentro kami hindi ko na talaga siya sasantohin...

" Isang galaw mo lang sabog talaga tong ulo mo.. "


Hindi ako nag patinag at dahan dahan akong tumayo at liningon siya ng nakangisi,hindi ito ang unang beses kong makaenkwentro ng kalabang may baril kaya sisiw nato sakin..

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now