Chapter 59:

273 8 7
                                    

SOMEONE'S POV:

" Bonux! Hali kana sa kusina kakain na! "

Tawag ni Sandy kay Donovan, dali dali niyang inihanda ang hapag, gustohin niya mang magsolo sa pagkain hindi niya naman masikmurang gawin iyon, lalo na't siya ang dahilan kung bakit hindi pa sila nakakapagtanghalian.

Sisigaw na sana siya ulit para tawagin si Donovan Ng marinig Niya Ang mga yapak nito papasok sa kusina.

" Sige na upon ka na diyan tatapusin ko lang tong juice. "

Imporma niya sa amo, pero lingid sa kaalaman ni Sandy nakangiwi si Donovan habang tinitiingnan Ang mga ulam, the food in front of him are definitely foreign and a little suspicious, parang dry pasta lang kasi ang nakikita niya.

" Ano to? "

Pairap na hinarap ni Sandy ang amo habang bit bit na ang isang pitsel ng juice, freshly squeezed orange juice iyon ayaw kasi ni Donovan ng mga powdered drink, it's too sweet for his liking, oo nakapag juice pa sila, mabuti na lang talaga at may oranges pang natira sa lamesa nila.

" Ulam malamang, alam kung hindi to pamilyar sa yayamanin mong mata kaya ipapakilala ko ito sayo mahal na hari ha, pancit canton yan, tska ito malamang alam mo to, nilagang itlog to syempre, ito muna ulam natin ngayon, kung bakit ba naman inaasa mo pa sa mama mo yung mga grocery mo, napakapabebe mo namang anak. "

Tiningala ni Sandy ang amo, napabuntong hininga na lang siya ng makita ang nakangiwing reaksyon nito habang nakahalukipkip.

" This is all unhealthy, hindi ako kakain at dahil mapapasma ako ngayon lahat ng pagkain na nawala sa ref ko ibabawas ko sa susunod mong sweldo, alam ko namang ikaw lang umubos nun lahat kaya dapat lang na bayaran mo iyon. "

Walang ka abog abog na sabi ni Donovan at aalis na sana sa kusina ng biglang...

" Ano ba! itinaya ko isandaan ko dito ha! wala kang utang na loob! "

Kunyaring asik ni Sandy pero sa loob loob niya'y hiyang hiyang na talaga siya, pakainin ba naman niya ng pancit canton ang bilyonaryo niyang amo!

" Aba matindi! I- - - - - - - "

" Oo na sorry na! Sorry na kung inubos ko pagkain mo, sorry kung hindi ko macontrol ang bibig at tiyan ko. "

Sandy blurted in embarrassment, sa mga oras lang na yun siya tinablan ng hiya, agad rin siyang natauhan sa pagdadrama niya ng marinig niya ang pagkalam ng sikmura ng amo niya. Agad niyang tiningala ang bilyonaryong nag-iwas rin naman ng tingin, sabay tikhim.

" Kumain ka na kasi! Wag ka na mag-inarte! "

Singhal na naman ni Sandy, sinamaan siya ng tingin ni Donovan habang pasimple na itong umuupo sa harap niya, napangiti naman ang Sandy dahil dun. Nangingiti pa siya habang sinsandukan niya ng pagkain ang amo, pagkatapos ay binaltan ang itlog sabay lagay sa plato nito, nakalukipkip lang si Donovan habang pinagsisilbihan siya ng bodyguard, it never fails to amaze him how Sandy always puts food on his plate before eating, hindi niya naman pinag-uutos iyon, even his mom never did it for him and that small gesture is growing on him, sa tuwing ginagawa iyon ni Sandy feeling niya para siyang hari, parang kinikiliti bituka niya.

" Kain na Bossing masarap yan! "

He snapped out of his thoughts when he heard Sandy chirping again.

" Manahimik ka diyan. "

Napangiwi si Sandy sa pagsusungit niya sabay kain, he sighed aggressively not because he was pissed at his lunch but because he was pissed at his feelings for Sandy, the woman is surely growing on him and it irked him, dapat naiinis lang siya sa babae, ayaw niyang makipagmabutihan dito but the universe and fate had other plans, he thought, while twirling the pancit Canton to his fork.

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now