Chapter 55:

179 5 4
                                    

SOMEONE'S POV:

" I'm really sorry sir nagkasakit po kasi yung model natin sir, naghanap na po kami ng iba pero lahat sila occupied. I'm - - - - "

" How many times do you have to repeat that failure? Shut up, ito pagmukhain mong tao. "

Sabay hawak sa braso ni Sandy at iniharap kay Larry.

" Anong sabi mo?! Pagmukhain akong tao?! Ano pala itsura ko ngayon halimaw?! Bwesit ka talaga Bonux! Insultohin mo na lahat wag lang ang maganda kong mukha! "

Nanggagalaiting sigaw ni Sandy at ready na sanang sakalin si Donovan ng biglang may nagsalita.

" Mawalang galang na po sir, pero parang hindi naman marunong ang bodyguard niyo na magmodel. "

Nagdadalawang isip na sabi ng lalaki sa boss. Kung pwede lang umosok ang tao sa sobrang inis malamang magbubuga na si Donovan sa mga oras na yun.

" Edi turuan niyo! Pati pa ba yan poproblemahin ko?! I had enough of your failures today Larry wag mo ng dagdagan. "

Napa-atras si Larry sabay bow.

" Tara na po Miss. "

Nanginginig ang boses nitong sabi kay Sandy.

" Hep hep! Anong tara na! Magkaliwanagan nga tayo! Ano ba kasing gagawin ko?! "

Nakapameywang nitong tanong, nakaharap siya kay Donovan at hinihintay niya ang sagot nito.

" Sumama ka kay Larry ng malaman mo. Wala akong panahong magpaliwanag pa sayo. "

Yun lang at iniwanan na siya nito. Susundan niya sana ito para batukan ng biglang may pahabol itong salita.

" Remember may sweldo ka at kapag hindi mo nagawa nang maayos ang iniuutos ko sayo wag ka nang umasang may tatanggapin ka pang pera sa'kin. "

Masungit nitong sabi kay Sandy, pagkatapos non ay tuluyan na itong lumayas, hindi na rin nag-abala pa si  Sandy na sundan ito, patatahimikin niya muna ang buhay nito dahil kailangan niyang seryosohin ang trabaho niya kung gusto niyang magkapera, sira-ulo pa naman ang amo niya baka totohanin talaga nito ang sinabi kapag pumalpak siya.

" O ano pare? Ano pa bang tinutunganga natin dito? "

Nakangisi niyang sambit, napangiwi naman si Larry, medyo natatakot kasi kasi ito kay Sandy dahil balita niya napaka agresibo nito at madali lang magalit.

" Sumonod kayo sa'kin Miss. "

Mahinahon nitong sabi at nagsimula ng maglakad papunta sa tent.

5minutes later.......

" Teka teka! Anong ginagawa niyo sa buhok ko?! "

Agad na napatayo si Sandy sa upuan sabay napalundag palayo.

" Gugupitin namin ma'am, parang mas bagay po kasi sa inyo yung boyish look. "

Nakangisi pang sabi ng baklang hair dresser, habang iwinawagayway ang hawak nitong gunting.

Kinikilabutang tiningnan ni Sandy ang gunting, napahawak na siya sa buhok niyang pinaghirapan niya patubuin. Naisip niya, bukod sa nanghihinayang siyang putulin ang napakahaba niyang buhok, malalagot talaga siya sa Tyang niya. Sigurado siyang kakalbuhin sya nito ng tuluyan.

The Billionaire's Squatter GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora