Chapter 56:

134 3 0
                                    

SANDY'S POV:

" Ate parang ubos na ata yang lepstick kakalagay mo sa bibig ko. "

Reklamo ko sabay layo, ngumiti lang si ate sakin. Babae na naman ang nag-aayos sakin ngayon, parang gusto ko na lang maglupasay sa sobrang imbyerna ko hindi lang kasi mukha at pananamit ko ang pinakikialaman ng mga ito kundi ang buong pagkatao ko, kung hindi lang talaga ko nangngailangan ng raket hinding hindi ko papatosin tong pinatratrabaho ng damuhong Bonux na yun! pero wala eh! kailangan magdoble kayod para sa kanila ni Tyang lalong lalo na kay Edmond, hindi pwedeng mahinto ang batang yun, kahit ma isangla ko pa kaluluwa ko kay Bonux gagawin ko makapagtapos lang ang pinsan ko ng pag-aaral hindi siya pwedeng maging kagaya kong walang pinag-aralan.

" Wag mo kasing binubura Miss, akala mo di ko nakikitang pasekreto mong pinapahid tong lipstick mo? "

Pa irap na sabi ng make-up artist. Mabuti na lang at mabait ang babae pagnagkataon na mahadera itong kaharap ko baka kanina pa niya ko pinakain ng lepstick kakabura ko.

" Oo na ate sorry na, hindi lang talaga ko sanay maglagay nito, isang beses lang ako nag lakas loob na maglagay, nung magtapat ako sa crush ko pero hindi naman nito sinuklian ang pagtingin ko. "

Chika ko kay ate, napahalak-hak ito sabay ayos ng buhok ko.

" Ilang taon na ba kayo Miss Sandy? "

Takang tanong ni ate sa'kin.

" 28 na ate bakit? "

Napairap si ate.

" Ang tanda mo na pala para magconfess, pang teenager lang iyon, dapat sinunggaban mo na agad yung lalaki! "

Nanlalaki pa ang mata ni ate habang sinasabi iyon sabay ayos sa bukok ko, napasimnagot naman ako.

" Hindi na man ganun katibay sikmura ko te, sobrang gwapo kaya nun halos mangisay nga ako sa hiya habang umaamin na crush ko siya! "

Dagdag ko na namang chika.

" Teka nga hindi ba ko mukhang balyena dito sa suot ko Ate? Parang ang sikip sikip na man kasi nitong leggings tsaka naka bra lang ako?! Juiceko nakakahiya! Parang lalabas na ata tong mga bilbil ko! "

Inerapan ako ni ate Shaina.

" Ano bang bilbil ang pinagsasabi mo diyang babae ka, napaka sexy mo kaya sa suot mo, atsaka wag ka na magrekalmo diyan, malaki magpasweldo si sir De Roux hindi naman kuripot yun kaya sulit itong ginagawa mo. "

Napabuntong hininga na lang ako, sabagay tama na man si Ate, ok na mabawasan ang dignidad ko magkapera lang, oo na ako na mukhang pera, ano ba magagawa ko eh ito ang resulta ng karukhaan ko.

" Sandy. "

Natigil ang chikahan namin ni ate Shaina ng marinig ko ang tawag ni David.

" Vaket? "

Pabakla kong tanong habang nakataas sng kilay. Hindi ito nagsalita at basta na lang ngumuso sa may gilid ko.

Wala sa sariling napatingin ako dun.

Bumongad sa'kin ang gwapong pagkatao ng amo ko at teka si Detectib ba yun?

Nangasim ang mukha ko ng mapagtanto kong nakatingin yung dalawa sakin. Mukha ata akong agogo dancer dito sa suot ko. Nag-iwas ako ng tingin sa dalawa at nagpatay malisya para maibsan ang hiyang nararamdaman ko.

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now