CHAPTER 67:

93 2 0
                                    

SOMEONE'S POV:

" Bonux teka lang sabi! "

Dali daling sinundan ni Sandy ang amo habang papunta ito ng kwarto at alam na alam niyang sa oras na isarado nito ang pinto, hinding hindi na nito iyon bubuksan pang muli. Kaya nagtatakbo na siya at bago pa man sumara iyon sa mukha niya agad niyang binalya iyon, nakapasok nga siya pero napasobsob muna siya sa malambot na carpet ng amo niya.

" GET OUT! "

Galit na sigaw ni Donovan sa nakadapa pa ring Sandy.

" Wag ka ngang sumigaw, wala ako sa kabilang bundok nasa harap mo'ko. "

Mahinahong saway ni Sandy sabay tayo.

" Just get out! Ayokong makita ang pagmumukha mo! "

Singhal na naman nito sabay salampak sa kama nito.

" At bakit?! Anong ginawa ko sa'yo ha?! Alam ko wala sa dining ang ginawa ni Detectib, lahat ng tao nagkakamali naman diba, atsaka wala namang masamang intensyon sa'yo yung tao, talagang wrong dining lang siya. "

Explain ni Sandy habang nakapameywang sa gilid ng kama ni Donovan, nakataob ito at nakatagilid ang ulo sa kabilang direksyon kaya hindi makita ni Sandy ang reaksyon nito.

" Manahimik ka, anong wrong dining!? Wrong timing yun! "

Bigla siyang napakamot Sa ulo.

" Ay timing pala iyon, kala ko dining. "

Kumonot ang noo niya ng marinig ang painsultong tawag ni Donovan.

" Hah! Alam ko namang kinikilig ka diyan! Umalis ka Dito magsama kayo! "

Nagsalubong ang kilay niya at ramdam na ramdam niya ang inis sa sistema niya.

" At sa tingin mo talaga kikiligin ako at maniniwala akong magugustuhan ako ng propesyonal na lalaking yun?! Ako na taga squatter lang?! Walang pinag-aralan! Oo nangangarap akong may magkagusto sa'king desenteng lalaki kahit ganito lang ako, pero alam kong suntok sa buwan lang iyon at hinding hindi yun mangyayari. "

Halos maiyak si Sandy habang nakatingin sa likod ng lalaking gusto niya, sobrang lapit lang nito sa kanya pero parang sobrang layo pa rin, hindi niya kayang abutin ito, hanggang tingin na lang talaga siya.

" Get out, Wala akong pake kung magligawan kayo. "

Sandy's heart clenched in pain, ngayon lang siya nasaktan sa pagtataboy nito.

" Ok lang kung magalit ka sa'kin pero wag kang magalit kay Sir Orion, siya pa rin ang tumutulong sa'yo at alam kung ginagawa niya ang lahat para matulungan ka. "

Yun lang at lumabas na siya sa kwarto.

Bumalik ulit siya sa labas at pinagpupulot sng mga rosas na winasak niya, mag-sosorry na lang siya kay Detective oras na maibalik Niya itong basket ng bulaklak.

Hindi niya talaga akalaing magkakagusto sa kanya ang Detective pero hindi niya mahagilap sa puso niyang magkagusto rin dito dahil alam niyang may nagmamay-ari na niyon at walang iba kundi ang salbaheng amo niya.

Wala talagang pag- asang mangyari ang love story ng dalawa, isang mukhang perang dukha lang naman siya sa mga asul na mga mata ng amo at isa pa hindi siya kagaya ng mga sopistikada at sikat na mga jowa noon ni Donovan.

The Billionaire's Squatter GirlWhere stories live. Discover now