REYALONA : EPILOGUE

88 11 7
                                    

CONTENT WARNING:

This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.
______________________________________

EPILOGUE

Rona P.O.V

         I'd must say that, time is like a ocean. You cannot touch the same water twice, because the flows that has passed will never pass again. Even we want to get the same thing, there's a tendency that we just get the worst.

         Sa mga nangyayari sa buhay ko simula noong umpisang mag alburoto ang dagat ng Abyssus Ocean, nag umpisa na rin ang tunay at praktikalidad ng buhay ko.

      Siguro noong una, nasa punto ako na kung saan masasabi kong mahirap ang buhay namin, at gaya ng marami, ang tanging isang daan para yumaman at may makain sa mundo kong ginagalawan ay ang kailangan ay mapabilang ka sa antas ng mga nakakataas ni minsan ko rin namang pinangarap.

      Ngunit, hindi kasama sa pangarap ko na makaltasan ng mga taong malalapit sa buhay ko. Which is na isip ko ngayon, na hindi maiiwasan 'yon, hindi ko sinasabi na, hindi ka puwedeng umangat sa buhay ng hindi ka nakakaltasan ng mahal sa buhay, what I mean is, if the first trial has an error, make a new and another trial just to aim and make sure na walang makakaltas sa 'yo sa sunod mong subok. Although wala namang ganoon at hindi naman nangyayari sa iba 'yon pero siguro babala na rin 'yon sa kung sakaling maling desisyon ang pasukin mo.

        Nasa punto ako na nagtatanong ako kung dapat ko bang sisihin ang sarili ko sa bagal ng proseso ko sa buhay pero tinanong ko rin ang sarili ko na dapat ko ba talagang kuwentiyunin ang sarili ko sa mga nangyari.

     Hindi ko ginusto na mawalan, at rin nila ginusto na wala. Sa tingin ko, isa na lang ang nais kong ipunto, na hangga't maaga at nakakasama mo pa sila, siguro, dapat i-enjoy mo pa, na siyang hindi ko naman nagawa.

      Pero nang dahil sa mga alaalang pumapasok sa isip ko sa tuwing naaalala ko yung mga panahon na kasama ko sila, masasabi kong sapat na iyon kahit na ako at ang isip ko na lang ang masaya.

        Almost two weeks simula nang matapos namin ang quest namin sa Abyssus Island. May mga bakas pa kami ng mga pinagdaanan namin doon sa mga katawan at pagkatao namin, pero gaya nga ng sinabi ni Prof-T sa amin: "Kung mayroong nangyari sa loob ng isla na sa tingin niyo hindi makakatulong sa pag buo muli ng sarili niyo, huwag niyong dibdibin, dalhin niyo ito, ngunit dalhin niyo ang mga ito bilang aral at 'wag bilang pasakit sa buhay ninyo."

        Siguro nga mabilis para sa iba na naka-usad ako sa mga nangyari, ngunit hindi ma-didiktahan ng mga hula at mga agam-agam nila ang tinatago kung pangungulila.

      Mahirap and at the same time masakit, I just trying to ease all the important things just to make sure that it wouldn't affect me for my continuation in life, but on the other hand, it was definitely right. Hindi masama mangulila, ang masama ay yung sobra, lalo na't may mga tao na ngayon na natatakot mawala ka para sa kaligtasan nila.

        Bilang nawalan at patuloy na lumalaban, hangga't may mga taong dapat ipaglaban, siguro dapat ako tumuloy sa takbo ng buhay. Hangga't may naniniwala at umaasa, hindi pa tapos ang laban. Kung pagod, ipahinga, pero wag mong isuko. Iyan ang naging pilosopiya ko noong mga panahon na nilulugmok ako ang ng mga kaganapan na nangyari sa buhay ko.

REYALONA (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя